Maricar de Mesa, inalala ang mga pagsubok sa pagbubuntis

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maricar de Mesa, inalala ang mga pagsubok sa pagbubuntis

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Ilang buwan matapos siyang manganak, naging bukas si Maricar de Mesa sa kuwento ng kanyang pagbubuntis.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, inamin ni Maricar na pitong taon niyang sinubukang magbuntis kahit pa sa panahon na magkasama pa sila ng dating asawa.

Ayon kay Maricar, araw ng Pasko noong 2016 ay nalaman niya na siya ay buntis sa kanyang bagong partner.

Ito ay naganap ilang buwan matapos niyang subukang sumayaw sa Obando sa Bulacan.

ADVERTISEMENT

"Well, I've been trying to get pregnant for the past seven years. That was with my previous partner, my ex-husband. But now I have a new partner. For seven years, marami ang nagsasabi sa akin na try mo ngang magsayaw sa Obando sa Bulacan, di ko 'yon masyadong pinapansin.

"But in 2016, nandito ako sa Philippines. Wala akong ginagawa kaya sige punta ako, I even brought my mom. Tapos medyo madugo pala siya kasi masikip, mainit, napakaraming tao, ang aga. That was April, then I found out I was pregnant Christmas Day ng 2016 din," kuwento niya.

Pag-amin ni Maricar, naiyak ang kanyang partner na nakabase sa ibang bansa. Sa isang panayam, sinabi ni Maricar na Amerikano ang ama ng kanyang anak na si Alianna Sky.

"Alam mo ang nakakatuwa roon, kasi he's not based here in the Philippines, nandito lang siya noon because it's Christmas. Naglalakad kami sa isang mall na may church. Nabasa ko ang e-mail noong doktor kasi nagpa-check up ako, ang sabi 'Congratulations, Maricar, you are pregnant.' Nasa tapat kami ng church. Talagang 'yun nakakaiyak, ganoon ang reaksiyon," ani Maricar na inaming naisip na niya noon na hindi na siya magkakaanak dahil sa tagal ng kanyang hinintay.

Pag-amin ni Maricar, dahil na rin sa pagnanais na magkaanak ay sinubukan niya noon na sumailalim sa in vitro fertilization o IVF.

"Actually I've tried. Hanggang ngayon nga mayroon pa akong nakabangko, pero siyempre hindi na namin nagamit 'yon. Mahirap siyang procedure, maliban sa mahal siya ay napakahirap at napaka-stressful niya," pagbabalik-tanaw ni Maricar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.