‘Beautiful and fresh’: Netizens namangha sa throwback photo ni Zsa Zsa Padilla
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Beautiful and fresh’: Netizens namangha sa throwback photo ni Zsa Zsa Padilla
ABS-CBN News
Published Mar 05, 2022 08:55 PM PHT

Gandang-ganda ang maraming netizen sa itsura ng batikang singer na si Zsa Zsa Padilla sa kaniyang throwback photo na inilabas sa Instagram.

Nitong Huwebes, ini-upload ni Padilla ang isang lumang retrato niya noong 19 anyos pa lamang siya na kinuhanan pa sa Baguio City.

Pagbabalik-tanaw nito, tatlong taong gulang pa lamang noon ang panganay na anak na si Karylle.

“Hello, young me! Ang freshness!!! I remember this was taken in Baguio and @anakarylle was probably 3 then! So… I was just 19!!! Thanks for sending the photo over, K,” ani Padilla sa caption.

Sa comments section, napuno ng papuri ang larawan ni Padilla mula sa mga netizen na humanga sa tila hindi kumukupas na ganda ng singer.

“You are timeless Ms Z,” saad sa isang komento.

“So beautiful and fresh looking,” puri naman ng isang netizen.

Samantala, napansin din ng ilang fans na may pagkakahawig ang batang Zsa Zsa sa itsura ni Karylle.

“Parang si ate karylle nakikita q hehe, ang pretty,” pansin ng isang netizen.

“Lahi pla tlga kayong magaganda super sa mata plng,” hirit pa ng isa.

Nito lamang panimula ng Marso, ipinagdiwang ni Padilla at Conrad Onglao ang kanilang 8th anniversary bilang magkapareha.