Smokey Mountain, posibleng magkaroon ng reunion?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Smokey Mountain, posibleng magkaroon ng reunion?

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Inamin nina Jeffrey Hidalgo at Geneva Cruz na bukas sila sa pagkakaroon ng reunion ng dati nilang grupo na Smokey Mountain na binuo ni National Artist Ryan Cayabyab.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, tila nadulas si Hidalgo sa pagsabing may inaayos na sila para muling magkasama-sama ang grupo.

Watch more News on iWantTFC

"Gusto talaga namin," ani Hidalgo.

"And depende rin kay Maestro. Si Maestro busy rin," hirit naman ni Cruz.

ADVERTISEMENT

Maestro ang tawag nila kay Cayabyab.

Ayon kay Hidalgo, lima na lamang mula sa mga miyembro ng grupo ang nasa bansa ngayon.

"Apat sa Manila -- ako, si Gen, si Tony (Lambino) at saka si James (Coronel) -- yung original. Si Jayson (Angangan) from the second group nasa Isabela. Pero 'yung the rest ay nasa ibang bansa na. Si Chedi (Vergara) nasa Australia, si Shar (Santos) nasa States, at saka si Anna Fegi," dagdag ni Velasco.

Matatandaang sumikat ang Smokey Mountain noong dekada '90.

Ang grupo ang nagpasikat ng mga awiting "Kailan," “Better World” and “Paraiso.”

ADVERTISEMENT

Noong Mayo 2020, halos 25 taon matapos ang huli nilang pagtatanghal na magkakasama, ay nagkita virtually ang grupo para sa "Bayanihan, Musikahan."

Samantala, sa "Magandang Buhay," muling binalikan nina Hidalgo at Cruz ang simula ng kanilang pagkakaibigan.

Ayon kay Cruz, "little brother" ang unang tingin niya kay Hidalgo, na umamin naman na naging crush niya noon si Cruz.

Ayon kay Cruz, naniniwala siyang mas mabuting maging matalik na lang silang magkaibigan.

Watch more News on iWantTFC

Ayon sa dalawa, kaya nilang ipagkatiwala ang kanilang buhay sa isa't isa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.