'Nalulungkot ako': Ogie Diaz nagsalita sa pagbitiw ni Liza bilang Darna

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Nalulungkot ako': Ogie Diaz nagsalita sa pagbitiw ni Liza bilang Darna

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 05, 2019 10:03 AM PHT

Clipboard

MANILA - Aminado ang talent manager na si Ogie Diaz sa lungkot na nadarama sa pagbibitiw ng kanyang alagang si Liza Soberano bilang Darna.

Nitong Huwebes sa TV Patrol, naging emosyonal si Liza sa paghingi ng tawad sa kanyang mga tagahanga dahil sa hindi na niya magagawa ang inaabangang pelikula ng Star Cinema tungkol sa sikat na Pinay superhero.

Sa kanyang Facebook page nitong madaling araw ng Biyernes, ibinahagi ni Ogie ang kanyang kuwento at saloobin sa naging desisyon ni Liza.

"Ako bilang co-manager kay Liza, nalulungkot ako. Kasi, bongga sana 'yung 'Darna.' Magiging bahagi sana ng history ng career ng aking alaga ang 'Darna' na halos lahat ng aktres, gustong gawin 'yan," ani Ogie na iginiit ang naging taos-pusong pagyakap ni Liza sa karakter.

ADVERTISEMENT

Pero aniya, ang aksidente sa set ng "Bagani" ang nagpabago ng lahat.

"Dahil sa nangyaring aksidente sa 'Bagani' last year kung saan napuruhan ang isa niyang daliri, 'yung totoo, 'yung Darna agad ang naisip namin ni Liza. Di naman nagpabaya ang ABS-CBN sa lahat ng pangangailangan ni Liza. Ilang specialista na din ang humawak ng kanyang finger injury, pero hanggang ngayon naman, hindi pa din kami nawawalan ng pag-asang maibabalik kahit paano sa normal ang lahat," ani Ogie.

Pagpapatuloy ng kuwento ni Ogie, isang araw ay tumawag sa kanya ang alaga upang sabihin na hindi na nito kayang gawin pa ang pelikulang Darna.

"Umiiyak siya. Sabi ko, baket? Nahihiya daw siya sa akin at sa Star Magic at sa upper management na baka hindi na niya kayanin pang gawin ang Darna, dahil matatagalan pa nga ang complete healing ng kanyang daliri. 'Magagalit ka ba, Tito Ogie, kung hindi ko na gagawin 'yung 'Darna'? Magagalit kaya sa akin sina Mr. M at Ms. Mariole (ng Star Magic)? Baka hindi na ako bigyan ng trabaho ng ABS-CBN kung hindi ko gagawin ang Darna. Paano na 'yung family ko?'"

"Sabi ko talaga kay Liza: 'Naisip mo pa talaga 'yan, nak? At least, nak, iniisip mo pa rin ang iisipin ng ibang tao at 'yung magiging consequence ng ginawa mo. Ibig sabihin, nagwo-worry ka para sa kanila. Hindi ka selfish. Maganda 'yang ganyang attitude mo,'" kuwento ni Ogie.

Ani Ogie, siniguro ni kay Liza na "okay" lang sa kanya ang desisyon nito kung talagang hindi na nito kayang gawin pa ang Darna. Ayon kay Ogie, naniniwala siyang may dahilan ang lahat.

ADVERTISEMENT

"'Pero sa totoo lang, if you don't feel like doing Darna anymore, it's okay with me. Kahit gusto pa ng lahat ng tao sa paligid mo na maging Darna ka, kung feeling mo, may kulang, kung half-hearted ka because of what happened, baka mas maganda ngang huwag mo nang ituloy. Ako ang mag-e-explain muna sa kanila, then let's set a meeting with the bosses.'"

"'Alam mo, nak...lagi mong tatandaan, everything happens for a reason. Pupuwedeng hindi ka nga nadisgrasya, at itinuloy mo nga ang Darna, and while shooting Darna, du'n ka naman naaksidente nang malala o baka ikinamatay mo pa during stunts or 'yung naka-harness ka. Ang ginawa lang ng Diyos, sa daliri ka lang niya pinadaplisan,'" ani Ogie.

At para mas maliwanagan pa si Liza, naibahagi pa ni Ogie sa aktres ang nakakatuwang love story niya na nangyari dahil sa may nagsarang oportunidad sa kanya noon.

"'Alam mo, nak... nu'ng nawalan ako ng show sa ABS-CBN nu'ng year 2000, wala akong choice, kundi humanap na muna ng ibang work, dahil ako ang breadwinner sa amin, eh. Pumasok akong stand-up comedian sa comedy bar. Ang bayad sa akin noon, P2,500 to P3,000 sa bawat gabi na sasampa ako."

"Pero kahit hindi ako masyadong nakakatawa, merong isang customer doon na konting tsika ko lang sa stage, siya 'yung tumataginting 'yung halakhak. Bawat gabing magpe-perform ako, andu'n lagi siya. Siya 'yung tawa nang tawa kahit hindi naman natatawa 'yung iba sa akin. Alam mo ba, ngayon? Lima na ang anak namin.' Nagulat si Liza. Hindi makapaniwala. 'Sa palagay mo, anak, kung hindi ako nawalan ng show noon sa ABS, mami-meet ko siya? Hindi. Kasi kung may show ako noon, baka hindi rin ako pumasok bilang stand-up comedian. Ibig kong sabihin, pag may nawawala, may dumarating. Kapag hindi ukol, hindi bubukol. Kapag para sa 'yo, para sa 'yo. At maniwala ka, marami pang darating na opportunity sa 'yo. Kasi, talented ka, mahusay kang umarte, mabait ka at mabuti kang tao, kaya hindi ka pababayaan ni Lord.'" ani Ogie.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.