Sylvia Sanchez at 100 bituin, nagpasalamat sa frontliners

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sylvia Sanchez at 100 bituin, nagpasalamat sa frontliners

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Madamdaming nagpasalamat si Sylvia Sanchez sa lahat ng mga frontliner na tinutulungan siyang gumaling mula sa coronavirus disease.

Si Sanchez ay isa sa mahigit 100 artista at personalidad na pinamamahalaan ng talent managers na kasapi sa Professional Artist Managers, Inc. o PAMI, na nagsama-sama para sa isang thanksgiving video na inilabas nitong Easter Sunday.

Sa video na ni-release ng manager niyang si Arnold Vegafria sa ABS-CBN News, sinabi ni Sylvia na ang mga frontliner ang nagpapalakas ng kanyang loob na magpagaling.

Alam din daw niya ang mga sakripisyo nila kahit may agam-agam silang mahawa ng sakit.

ADVERTISEMENT

Narito ang full video:

Kasalukuyang inaantay ni Sylvia at asawang si Art Atayde ang pangalawang confirmatory COVID-19 test kung saan inaasahang negative na sila sa coronavirus.

Ito ang magiging daan para makauwi na sila mula sa ospital.

Samantala, inalay naman ni Celeste Legaspi sa Facebook video ang classic hit niyang “Gaano Kita Kamahal” sa mga doktor, nars, medical personnel, janitor at iba pang hospital staff.

Kabilang pa sa sumaludo sa mga frontliner sa kani-kanilang paraan sina Paulo Avelino, Edu at Luis Manzano, Vhong Navarro, Jessy Mendiola, Cherie Gil, Korina Sanchez, Rachel Alejandro, Ariella Arida, Katarina Rodriguez, Jhong Hilario, Nanette Inventor, Luz Valdez, Carmen Soriano, Dennis Trillo, Ogie Alcasid, Lovi Poe at marami pang ibang personalidad.

Itinataguyod ang PAMI ng veteran talent managers tulad nina Vegafria, June Rufino, direktor Chito Roño, Carlo Orosa, Malou Choa, Manny Valera, Lolit Solis, Leo Dominguez at iba pang manager.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.