Christopher Roxas inaming nami-miss nang umarte kahit abala sa negosyo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Christopher Roxas inaming nami-miss nang umarte kahit abala sa negosyo
ABS-CBN News
Published Apr 22, 2021 04:13 PM PHT

Inamin ng aktor na si Christopher Roxas na nananatili ang pagmamahal niya sa pag-arte sa kabila ng pagiging abala sa kanilang negosyo ng asawang si Gladys Reyes.

Sa panayam sa PUSH, ikinuwento ng aktor na may mga nag-aalok pa rin sa kaniya ng mga proyekto sa showbiz kahit na pandemya.

“Siyempre, nami-miss ko 'yon talaga. Alam mo naman ako, I love acting, 'di lang the showbiz itself. Actually, kung kailan pandemic mas maraming offer sa akin. I’m happy with Viva, ilang years na rin ako sa kanila,” ani Roxas na huling lumabas sa pelikulang “Tabon.”

Nagpapasalamat din ito sa Diyos dahil may dahilan umano ang pagiging aktibo nito noong 2019 upang makaipon na tila paghahanda sa pandemya.

“It was a busy 2019 for me kaya nakaipon din ako. Tapos 'yon pala magpa-pandemic. Ang galing talaga ng Ama,” dagdag pa ng aktor.

Ibinahagi rin nito na tuloy ang kanilang negosyo sa kabila ng pagkakaroon ng mas mahigpit na community quarantine dahil sa muling pagsipa ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Napaghandaan naman umano nila ang ikalawang implementasyon ng ECQ sa ilang lugar sa bansa.

“Actually, all is good. May adjustments pa rin everyday — non-stop learning process. The kids are fine and well. Sa akin kasi, I just trust God’s plan. 'Yung adjustment sa second ECQ wala naman masyado, naka-prepare na rin kami talaga,” pahayag ni Roxas.

Masaya rin nitong ikinuwento ang pagbubukas ng isa pa nilang restaurant sa Laguna bukod pa sa negosyo na frozen marinated meat at catering service.

Pinayuhan din ni Roxas ang publiko na manatiling maniwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok na dala ng pandemya.

“Put your trust in God. Hindi naman tayo perpekto, just do what is necessary. Instead of whining, start doing things hanggang sa makakaya natin. Dapat kumilos tayo whether mahirap, gipit o kung anu pa man, and move forward,” ayon pa sa aktor.

Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT