Vlog takeover: Vice Ganda nagkusang linisin ang maputik na motor ni Ion Perez
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vlog takeover: Vice Ganda nagkusang linisin ang maputik na motor ni Ion Perez
ABS-CBN News
Published Jun 25, 2021 11:17 AM PHT
|
Updated Jun 25, 2021 12:58 PM PHT

Naging instant taga-linis ng motorsiklo ang komedyante at host na si Vice Ganda matapos pabirong agawan ng content ang kaniyang nobyong si Ion Perez na dapat sana’y kukuhanan ang paglilinis niya ng maputik na dirt bike.

Galing sa isang trail ride si Perez at naisipang linisan ang kaniyang motor at labhan ang kaniyang mga sinuot nang dumating si Vice at tuluyang mag-take over sa vlog.

“Maglilinis ka lang ng motor, iba-vlog mo pa?” tanong ni Vice. “Ako na lang maglilinis pero vlog ko ito.”

Wala nang nagawa si Perez at tinuruan na lamang ang kasintahan kung paano lilinisin ang kaniyang motor na punong-puno ng putik.

Nagkunyari pang reporter ng balita ang komedyante habang tinatanggal ang mga putik gamit ang powerhose.

Sa simula ay nag-e-enjoy pa si Vice sa paglilinis gamit ang hose na ayon sa kaniya madali lamang gawin.

“Pwede ka ngang matulog basta hawak-hawak mo lang ‘to,” ani Vice.

Ngunit matapos ang sabunan ang motor, ipinasunod naman na pinalinis ni Ion ang kaniyang bota at damit na ginamit nang umakyat sa bundok.

Nang pinapunasan na sa kaniya ang motor, doon na sinabi ng “It’s Showtime” host na iyon ang nakakangarag sa lahat ng gagawin.

“Pinagpapawisan na 'ko. Parang 'di ko na masyadong bet,” tugon nito.

Sa huli, nagpasalamat si Vice sa nobyo dahil pumayag itong agawin niya ang nasabing vlog.

Related videos:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT