Magulang ni Sofia Andres, boto nga ba kay Diego Loyzaga?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magulang ni Sofia Andres, boto nga ba kay Diego Loyzaga?

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Hindi mapigilan ng aktres na si Sofia Andres na mangiti nang tanungin kung boto nga ba ang kanyang mga magulang sa ka-love team niyang si Diego Montano.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, sinabi ni Sofia na suportado siya ng kanyang mga magulang pagdating sa kanyang karera.

"Kapag naman po sa deeper than that nagga-guide lang po sila. Pero hindi pa din po sila pumapayag na 100%, kumbaga i-build muna ang friendship," ani Sofia."

Sa isang taped message, naging emosyonal si Sofia nang mapanood ang mensahe ng pagmamahal at suporta mula sa kanyang ama na si Eric Andres.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ama ni Sofia, pinagkakatiwalaan niya ang kanyang anak dahil sa alam nilang napalaki nila ito ng maayos.

Inamin din nito ang pagka-miss sa anak na naging abala dahil sa sunod-sunod nitong mga proyekto.

Para naman kay Sofia, nagpapasalamat siya sa kanyang mga magulang para sa walang sawang pagmamahal at suporta.

"Mahal na mahal ko talaga ang family ko, kasi ever since kasi talagang supportive sila sa kung ano ang gusto kong gawin in life. Nandiyan sila to guide me and never silang nawala. I'm happy and thankful na ganoon sila sa akin," ani Sofia.

Sa ngayon ay abala si Sofia sa serye nila ni Dieogo na "Pusong Ligaw" at pagpo-promote ng pelikula nilang "Bloody Crayons" kung saan tampok din ang iba pang Kapamilya stars.

Ipapalabas ang "Bloody Crayons" simula ngayong Hulyo 12.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.