Pagbabalik ng ‘Ms. Q&A’ sa ‘Showtime’, napuno nang katatawanan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbabalik ng ‘Ms. Q&A’ sa ‘Showtime’, napuno nang katatawanan

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Kapamilya Online Live
Mula sa Kapamilya Online Live

MAYNILA – Kagaya ng inaasahan, naging masaya at makulay ang pagbabalik ng segment na “Ms. Q&A” sa noontime show na “It’s Showtime!” nitong Lunes.

Enggrandeng opening number ang naging panimula ng programa na kinatatampukan ni Vice Ganda at mga dating “Ms. Q&A” contestants na sina Lars Pacheco at Anne Patricia Lorenzo.

Pinangunahan nina Vice, Anne Curtis, Jhong Hilario, at Vhong Navarro ang segment sa kanilang bagong renovated na studio.

Para sa unang episode, nagtagisan sina Rafa Ileto, Cha Barde, Heart Mae Perez, at Jovi Garcia sa iba’t ibang yugto ng kompetisyon.

ADVERTISEMENT

Tatlong rounds ang dadaanan ng mga kandidata upang mapagtagumpayan ang patimpalak. Una na rito ang “Tumpak Ganern,” “Di Ba, Te?” at “Bekla-mation.”

Napuno ng katatawanan ang nasabing segment dahil na rin sa mga hirit ni Vice sa mga kasamang host at mga kalahok.

Hindi rin nagpahuli ang mga contestant sa kanilang mga nakakaaliw na introduction at banat sa isa’t isa na lalong nagpahalakhak sa madlang pipol.

Sa huli, si Perez ang napiling manalo ng mga hurado na sina Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup, aktor na si McCoy de Leon, at Mr. World Philippines 2022 Kirk Bondad.

Ang “Ms. Q&A” ay kompetisyon sa “Showtime” para sa mga gay men at transgender women sa bansa.

Noong nakaraang taon, bumalik ito ngunit sa streaming platform lamang na Kumu. Unang umere ang kompetisyon noong 2017.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.