Jane de Leon, inalala ang mga hirap na pinagdaanan sa buhay bago ang 'Darna'

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jane de Leon, inalala ang mga hirap na pinagdaanan sa buhay bago ang 'Darna'

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 18, 2022 05:47 PM PHT

Clipboard

Jane de Leon  Screengrab
Jane de Leon naging emosyonal nang balikan ang mga hirap na pinagdaanan sa buhay sa vlog ni Ogie Diaz. Screengrab

MAYNILA -- Hindi napigilan ng bida ng seryeng "Mars Ravelo's Darna" na si Jane de Leon ang maging emosyonal nang balikan ang mga hirap na pinagdaanan sa buhay.

Sa vlog ng batikang showbiz writer at reporter na si Ogie Diaz, nagbalik-tanaw si De Leon sa mga pagsubok na kanyang hinarap sa pagsisimula niya bilang isang artista.

Kuwento ni De Leon, maayos ang pamumuhay ng kanilang pamilya noon. Aniya, nagsimulang magbago ang lahat ng maloko sa negosyo ang kanyang ama ng mismong kaibigan nito. Pumanaw ang ama ni De Leon may anim na taon na ang nakaraan.

"Wala talaga kaming makain. Na asin na lang po talaga 'yung kinakain namin, ganyan. Asin. Kasi walang-wala po talaga kaming pera. Nawalan ng trabaho si Papa, si Mama po ang nagtatrabaho para sa amin. Parang naging househusband si Papa. Minsan kapag walang-wala kami, siyempre suweldo ni Mama hindi naman enough sa amin, minsan 'yung kinakain na lang namin asin, tapos kung alam niyo 'yung tuyo na may mantika," kuwento ni De Leon.

ADVERTISEMENT

"Sa sobrang wala po talaga kaming pera kahit piso po talaga 'yung manok ng kapitbahay namin pumasok sa bahay, kinuha ng tatay ko kinatay niya. Totoo po. Ginawa niyang adobo. Ganun po kami kadesperado na makakain nung araw na yon. ...Hindi rin po namin alam kung saan galing 'yung manok. Siguro biyaya na lang ng Panginoong Diyos 'yon na makatawid kami sa gutom. Siguro ganun na lang, hulog siya ng langit," dagdag na De Leon.

Hindi naman na napigilan ni De Leon ang maluha nang ibahagi ang trauma na nangyari sa ama.

"Kung nandito si Papa talaga, kung anuman ang nangyari since nung bata siya pati 'yung naloko siya, gusto ko po palitan lahat 'yon, kaso wala na po si Papa. Ang hirap kasi gusto ko bumawi sa kanya, sobra," ani De Leon na wala nang patid ang pagpunas ng mga luha.

Ayon kay De Leon, napakabuting tao ng kanyang ama.

Sa panayam, naibahagi rin ni De Leon ang hirap nang magsimula siyang pumasok sa mundo ng showbiz sa grupong GirlTrends.

ADVERTISEMENT

"Laguna kami, QC to Laguna, ang layo. Magkano lang po ang TF (talent fee) ko noong panahon na 'yon, hindi ba? Akala ko nga kahit ganun kaliit ang TF ko ay ang laki-laking bagay na sa akin nun. Para po makapasok kami sa trabaho kinabukasan, ang ginagawa po namin ni Mama, hindi alam ng ABS-CBN 'to, doon po kami natutulong sa dressing room," ani De Leon.

"Minsan po tumatambay po kami sa convenience store. Iidlip kami sa convenience store, iidlip kami kung saan-saan. Kahit po doon sa taas ng MRT, sa gilid. Umiidlip po kami ni Mama dun," dagdag ni De Leon.

Ayon kay De Leon, nagsimula siyang makapag-ipon nang maging parte siya ng seryeng "Halik" at maimbitahan sa mga fiesta.

Sa ngayon pangarap ni De Leon na mabigyan ng sariling bahay ang pamilya, bagay na ipinangako niya sa yumaong ama.

Salamat bashers

Sa panayam, naging bukas din si De Leon sa lahat ng mga puna na natanggap dahil sa pagiging bida niya ng "Darna."

Aniya, noong una ay nasasaktan siya sa mga batikos, pero dumating siya sa punto na nauunawaan na niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT

"Na-realize ko na hanggat nabubuhay ka, may bashers ka, di ba? Nagpapasalamat naman din po ako na may bashers. Nagpapasalamat din po ako na nag-e-effort sila for me. Siyempre isa na rin po 'yon na may mga lessons din ako na natutunan. Kung hindi rin dahil sa kanila ay hindi ako magiging better na tao, hindi ko mas pagbutuihan. Kaya thank you sa inyo kasi mas lalo akong nag-e-effort sa trabaho ko, nag-e-effort ako sa sarili ko," ani De Leon.

Umaasa rin si De Leon na maaring magbago ang tingin sa kanya ng bashers kung mapapanood ng mga ito ang seryeng "Darna."

"Sana mapanood po muna nila 'yung 'Darna.' Malay mo, 'di ba? Magbago ang tingin nila sa akin, mas ma-appreciate nila ako not just as Darna but as a person, as Jane din. And looking forward naman po ako roon," ani De Leon.

Sa nakaraang panayam, sinabi ni Rex Ravelo, anak ni Mars Ravelo na siyang lumikha ng Darna, bagay kay De Leon ang sikat na comics character.

Sa ilalim ng direksyon ni Chito S. Roño, kasama sina Avel Sunpongco at Benedict Mique, mapapanood ang “Mars Ravelo’s Darna” mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, CineMo, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.