Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla, nagbigay-pugay kay Eddie Garcia

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla, nagbigay-pugay kay Eddie Garcia

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Magkahalong saya at panghihinayang ang naramdaman ng mga bida ng "Sanggano, Sanggago't Sanggwapo" na sina Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla para sa beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Ang comedy movie na ito ay isa sa mga huling proyekto ng beteranong aktor bago ito pumanaw.

Sa naganap na premiere night ng kanilang pelikula, binalikan ng mga beteranong komedyante ang ilan sa mga huling alalaala nila sa namapayapng aktor.

"Memorable sa amin 'yan kasi last few days niya before ng aksidente niya, nakausap pa namin siya, nakakuwentuhan pa namin siya sa dressing room, tapos joke time lang kami... Ang plano ko magkuwento ng isa lang, pero umabot na ako sa sa isang oras dahil nakita kong tawa na ng tawa si Tito Eddie," kuwento ni Dennis.

ADVERTISEMENT

Si Andrew naman, sa isang selfie sinariwa ang huling panahon kasama ang namayapang aktor.

"Nagkaroon ako ng last selfie with Tito Eddie, kasi kumpare ko siya sa aking panganay. Sabi ko, 'Tito Eddie. wala pa tayong selfie together, selfie naman tayo.' Then the accident happen nga," ani Andrew.

Gaya ni Andrew at Dennis, hindi malilimutan ni Janno ang ilang eksena ng beteranong aktor.

"For us, bittersweet ito na last movie niya kasama kami. Ako, hanggang sa dubbing, ako ang nagdub sa kanya for one scene dahil kinapos na nga sa oras," sabi pa ni Janno.

"I think this is the perfect (project) kung gusto mo makita sa last movie si Tito Ed because he is in his element, 'yung loveable kontrabida, 'yung funny kontrabida."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mapapanood ang "Sanggano, Sanggago't Sanggwapo" simula Setyembre 4 sa direksyon ni Al Tantay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.