Coco Martin at Pepe Herrera, muling magsasanib-puwersa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coco Martin at Pepe Herrera, muling magsasanib-puwersa

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2018 11:58 AM PHT

MANILA -- Muling magsasanib-puwersa sina Coco Martin at Pepe Herrera.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni Pepe na mayroong plano si Coco para sa muli nilang pagsasama.

Matatandaang nakilala ng husto si Pepe bilang si Benny, ang sidekick ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco sa sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano."

"Tinawagan niya ako sa phone, kinamusta niya lang ako. Tapos nagkuwento siya ng concept, kasi ngayon nagdi-direk na si Coco at nagpo-produce na rin. So mayroon siyang concept. 'Yung isa, shinare niya sa akin. Tapos, alam ko magkikita kami very soon. 'Di ko alam kung puwede ko na sabihin, pero magkikita kami very soon for something sa niluto niya," ani Pepe.

Pag-amin ni Pepe, na-miss niya ang mga kasamahan at pagiging parte ng "Ang Probinsiyano."

"Na-miss ko siyempre naman," aniya.
"Na-miss ko siyempre naman," aniya.
Pagbabahagi ni Pepe, masaya siya sa pagkakataon na muling makita ang ilan sa mga kasamahan sa serye sa pagdalo nila sa screening ng pelikulang "BuyBust."

Parte nang nasabing pelikula si Arjo Atayde na dati rin niyang kasama sa "Ang Probinsyano.

"Tuwang-tuwa ako noong nakita ko sina Arjo, noong nanood kami ng 'BuyBust' together. Parang may mini-reunion; nakita ko sina kuya Jaime Fabregas, ang CIDG boys at si Arjo," ani Pepe.

Matagumpay na pagbabalik
Matatandaang matapos maging parte ng "Ang Probinsyano" ay nagpahinga si Pepe ng halos isang taon.

Aniya, matapos ang kanyang pagpapahinga ay hindi niya inaasahan na magiging matagumpay pa rin ang kanyang pagbabalik sa showbiz.
Pag-amin ni Pepe, isa sa mga takot niya noon ay baka wala na siyang makuhang proyekto sa kanyang pagbabalik.

"Isa po 'yon sa mga fear ko, honestly. Kasi alam niyo po sa industry natin mabilis na nawawala ang karera ng isang aktor o aktres, depende sa agos. So noong nagpahinga ako nakaramdam din ako ng takot na naku pagbalik ko ano ba ang babalikan ko,'" ani Pepe na ibinahaging mas gumanda ang kanyang kalusugan dahil sa ginawa niyang pagbabakasyon.

"Laking tulong ng pag-alis ko; pagbalik ko mas alam ko na 'yung hanggang ko dahil sa naging kapabayaan ko rin naman na sinagad ko nang sinagad ang sarili ko. Ngayon kapag nararamdaman ko na ito na nahihilo na ako kailangang umupo muna at magpahinga, dahan-dahan," ani Pepe.
Sa ngayon ay bibida si Pepe sa pelikulang "The Hopeful Romantic" kung saan leading lady niya si Ritz Azul.