Reunion? Eraserheads members may pahapyaw sa netizens

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Reunion? Eraserheads members may pahapyaw sa netizens

ABS-CBN News

Clipboard

Tila magsasama-sama muli ang miyembro ng Eraserheads para sa isang proyekto. Instagram ni Ely Buendia at File Photo
Tila magsasama-sama muli ang miyembro ng Eraserheads para sa isang proyekto. Instagram ni Ely Buendia at File Photo

MAYNILA – Tila may binubuong proyekto na magkakasama ang tanyag na bandang Eraserheads.

Sa kani-kaniyang Instagram accounts, magkakasunod na naglabas ng pare-parehong litrato ng letrang “E” sina Ely Buendia, Buddy Zabala, Raymund Marasigan, at Marcus Adoro.

Ikinabigla ito ng maraming netizens na karamihan ay matagal nang naghihintay na muling makitang magkakasama sa isang entablado ang grupo na nagpasikat sa mga awiting “Ang Huling El Bimbo,” “Alapaap,” at “Magasin.”

Sa post ng vocalist na si Buendia, halos pare-parehas na “OMG” ang komento ng maraming fans kagaya ng Kapamilya host na si Bianca Gonzalez.

ADVERTISEMENT

Umaasa naman ang marami na pahapyaw na ito ng reunion ng Eraserheads na nabuo noong 1989.

“Sheesh reunion na ba this?” tanong ng isang Instagram user.

Makahulugan din ang caption ni Zabala na gumamit ng lyrics ng isa kanta nilang “With A Smile”: “Let me hear you sing it.”

Noong Oktubre 2021, pabirong hinirit ni Buendia na maaaring magkaroon ng reunion ang kanilang banda kung tatakbo sa pagkapangulo ang noo’y Bise Presidente na si Leni Robredo.

Natuloy sa pagtakbo si Robredo ngunit natalo ito sa ngayo’y bagong presidente ng bansa na si Ferdinand Marcos Jr.

ADVERTISEMENT

Huling nagkasama-sama ang Eraserhead noong 2016 para sa isang mini set kung saan kinanta nila ang "Maling Akala,” "Popmachine" at "Poor Man's Grave."

Sa gitna ng kanilang kasikatan noon, nabigla ang maraming Pilipino nang ianunsyo ng grupo noong 2002 na mabubuwag na sila kasunod ng pag-alis ni Buendia.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.