Pagbu-bully lang ba ang dahilan kung bakit nagparetoke si Xander Ford?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbu-bully lang ba ang dahilan kung bakit nagparetoke si Xander Ford?
ABS-CBN News
Published Oct 08, 2017 10:20 PM PHT

Kung ano-anong katawagan na rin ang ikinabit sa kanya. Minsan "adik," madalas "pangit." Kamakailan tinawag ding siyang "pinipig." Hawig daw kasi ng mukha nitong tadtad ng taghiyawat ang tsokolateng binudburan ng pinipig. Viral sa social media ang sangkaterbang meme na siya ang pinagtatawanan.

Dati siyang nakilala bilang Marlou pero ngayon, sabi niya, tawagin na lang siyang Xander Ford.

Sa pamamagitan nga ng programang "Rated K," inilantad na sa publiko ang bagong pagkatao ni Xander Ford.

Wala na ang dating mukhang pinagtatawanan. Ang ilong, pinatulis; ang balat pinakinis. Bahagya ring inayos ang baba at panga habang binago rin maging ang mga ngipin.

"Bago ko gawin 'yun humarap muna 'ko sa salamin. Sabi ko, 'kakalimutan na kita,'" kwento ng 19 anyos na tubong Cavite.

At tuluyan na ngang namaalam si Xander kay Marlou. Tinalikuran ang mga panlalait, kinalumutan ang mga masasakit na karanasan.

Ang pangalang "Xander," gwapo raw pakinggan kaya nagustuhan niya. Ang Ford naman, nanggaling sa hearththrob na si Daniel Padilla na ang buong pangalan ay Daniel John Ford Padilla. Sa hanay ng mga nagguguwapuhang artistang lalaki sa telebisyon at pelikula, ang kanyang Kuya Daniel daw ang nais niyang maging katulad.

"Gusto ko po gayahin 'yung kahit sobrang gwapo niya maraming namba-bash sa kanya pero ipinapakita niya pa rin yung tapang niya sa mga basher. Na kahit laitin siya, nandun pa rin siya nakatayo at ngingitian niya pa rin mga tao," sabi pa ni Xander.

Paglilinaw naman nito, wala siyang pinaggayahang mukha. Basta inayos lang anya ng doktor ang mga dapat ayusin para sa kanyang bagong itsura.

Bago na rin ang grupong kinabibilangan ni Xander. Kung ang dating Marlou ay lider ng Hasht5, si Xander naman ay miyembro ngayon ng TEEN Trends, grupo rin ng mga kabataang lalaki na naghahangad na sumikat.

Kaya baon ang bagong itsura, bagong grupo, bagong pangalan, at bagong katauhan, handa na raw siyang ipakita ang bagong Xander Ford na inaasahan niyang mas gugustuhin ngayon ng tao taliwas sa naging karanasan ng dating Marlou.

"Mas talented na siya ngayon, mas kakaiba... Parang mas mamahalin ng tao si Xander Ford ngayon."

DAHILAN NG PAGBABAGO
DAHILAN NG PAGBABAGO
Hindi naman masabi ni Xander ang pinaghuhugutan ng pagbabagong-anyo at pagbabagong-katauhan.
Hindi naman masabi ni Xander ang pinaghuhugutan ng pagbabagong-anyo at pagbabagong-katauhan.
ADVERTISEMENT
Aminado siyang nasaktan siya sa mga panlalait noon pero hindi naman anya ito ang buong dahilan ng kanyang desisyon para magparetoke.

"Kasi ako nung ginawa ko 'to ang inisip ko para may kakaiba naman sa 'kin, may iba namang titingnan 'yung tao kasi kumbaga siyempre nakakasawa na," wika nito. "Gumawa ako ng ibang paraan, pa-change ako ng name, pa-change ako ng face."

Halos dalawang taon ang nakalipas, sa panayam ng ABS-CBN, sinabi nga ni Xander na gwapo ang tingin niya sa sarili niya sa kabila ng kaliwa't kanang pamimintas sa kanya.

Pero ayon sa psychologist na si Dr. Randy Dellosa, posibleng "reaction formation" ang pinairal noon ng dating Marlou. Paliwanag ng eksperto, nangyayari ito kapag ang ipiniprisinta ng isang indibidwal sa publiko ay kabaligtaran ng tunay na nasa kalooban nito.

"For example, I could say I hate you pero deep inside I'm just hiding the love I have for you. So that's reaction formation opposite ang ipinapakita sa kalooban," paliwanag ni Dellosa.

"So deep inside he was afected. Why? Because if it was not reaction formation, he would not have undergone the knife in that way."

Babala pa ng eksperto, may mga panganib na kakabit ang pagpaparetokeng hindi dumaan sa masusing paghahanda.

Paliwanag ni Dellosa, baka may aspetong sikolohikal na dapat munang pagtuunan ng pansin bago ang operasyon gaya ng depresyon o ang tinatawag na "body dysmorphic disorder."

"It means that you're focusing on a particular aspect of your body that you feel is really abnormal and that even if you underwent the knife already, it was already repaired, you would still think that it is abnormal, there was an abnormality," sabi pa ng eksperto.

Anya, kailangang matugunan muna ang mga aspetong ito at sumailalim sa psychotheraphy ang pasyente upang sa huli, ang desisyon nitong magparetoke ay mas makatotohanan at sa wastong kadahilanan.

"If you enhance your features, you would still look the same. For Marlou, it's different. Nobody would already recognize him. He's totally different so that's what kind of makes it abnormal. It was not an enhancement; it was transformation. No, it was more than a transformation!"

Aminado si Dellosa na maraming posibleng dahilan ang desisyon ng isang indibidwal gaya ni Xander na magbago ng pisikal na anyo at katauhan. Nariyan anya ang bullying, ang kapaligiran, ang media at lalo't higit ang social media.

Pero ayon sa doktor, may mga positibo namang epekto ang pagpaparetoke.

Sa pagkamit ng inaasam na pisikal na anyo, nagbubunsod ito ng mas mataas na kumpiyansa sa sarili. At sa kaso ng mga gaya ni Xander na nais sumikat, nagdudulot ng karagdagang oportunidad.

Pero papayuhan nga ba ni Xander na magparetoke ang mga kagaya niyang nilalait dahil sa pisikal na anyo?
Pero papayuhan nga ba ni Xander na magparetoke ang mga kagaya niyang nilalait dahil sa pisikal na anyo?
ADVERTISEMENT
"Ako hindi eh," deretsahan nitong sagot. "Sasabibihin ko sa kanya, 'the way na nilalait ka kayanin mo. Pero kung gusto mong may magbago pa sa 'yo, go! Push mo kung gusto mong magparetoke, gawin mo lang lahat kasi wala namang pipigil sa 'yo dahil ikaw 'yan."
NAKARAAN AT KINABUKASAN

Positibo o negatibo, buo ang desisyon ni Xander sa pagbabagong-anyo at pagbabago ng katauhan. Lahat sa ngalan ng pinapangarap na pagsikat at inaasam na magandang buhay.

Anya, kapag kumikita na siya ng sapat na pera, agad siyang bibili ng sasakyan at bahay. Pero sa ngayon, inaabangan pa ang mga posibleng palabas sa telebisyon, pelikula at iba pang mga proyekto.

Wala na rin anya siyang balak magparetoke pa ng ibang bahagi ng katawan. Sabi nito, balak pa niyang pagandahin ang katawan at dumaan sa ilang personality training.

Sa ngayon, ang mahalaga anya ay masaya siya. At dahil masaya siya, mas mapapasaya niya ang publikong nais niyang aliwin na noo'y labis kung siya'y laitin.

"Masayang-masaya 'ko sa nangyari sa 'kin. Marami nang nagmamahal sa 'kin. Yung mga panlalait dati nabawasan na, naging good vibes," sabi ni Xander.

Gayunman, alam niyang hindi dito natatapos ang mga pamimintas. Tuloy pa rin ang pamba-bash pero anya, tuloy pa rin siya sa kanyang pangarap.

"Ready pa rin ako sa bash. More bash, more blessings," natatawang wika nito.

At bagama't iniwan na ni Xander ang dating katauhan bilang Marlou, anya, napakalaki ng utang niya dito kaya naman napakalaki rin ng kanyang pasasalamat.

"Thank you kasi dahil sa 'yo nabuo 'yung Xander Ford... dahil si Marlou lahat ang puhunan ng pagiging Xander Ford ko."