'ASAP': Erik Santos hiling ang full recovery ng ina sa kaniyang kaarawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'ASAP': Erik Santos hiling ang full recovery ng ina sa kaniyang kaarawan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Humiling si Erik Santos ng panalangin para sa full recovery ng kaniyang ina sa kaniyang kaarawan sa 'ASAP Natin 'To' stage nitong Linggo.

"I would like to ask for prayers for my mom for her complete healing. ‘Yung kantang ‘Wind Beneath My Wings’ ‘yun po ‘yung kanta ko sa kanya," ani Santos.

"It’s been so challenging for the family for the past months and gusto kong maging masaya siya so ‘pag napanood niya ’to alam kong magiging masaya siya dahil ‘yung kantang ‘to and on my very special day I would love to honor her and to say that I love you so much, Mommy," dagdag pa niya.

Hindi binanggit ni Santos kung ano ang karamdaman ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT

"Nandito lang kami para sa’yo. You are our hero together with Tatay and I want you to know that you have been and will always and forever be the wind beneath our wings. We love you and kaya natin ‘to. Kapit tayo."

Inawit ni Santos ang kantang "Leaves" kasama ang kapatid na si Hadiyan na sinundan naman ng "If I Believed" nina Zsa Zsa Padilla at Karylle kasundod ng "Sa'yo" nina Ogie Alcasid and Jolina Magdangal.

Tumuloy naman ang number sa kantang "Araw Gabi" nina Darren Espanto at Moira dela Torre kasunod ng "Sunlight" nina Martin Nievera at Frenchie Dy na tinapos ng "Wind Beneath My Wings" nina Regine Velasquez at Kyla.

Ito naman ang mensahe ni Hadiyan sa kanyang kuya: "Every year lagi kong sinasabi na I’m very thankful na ikaw ‘yung kuya ko and I really mean it lalo na nga ngayon. Grabe ko nakikita ‘yung pag-aalaga mo sa’min laluna kay Mommy. Gumagawa ka talaga ng time for us."

"Super namin naa-appreciate ‘yun and alam ko minsan na naiisip mo palagi kang nandito for us pero sa’yo feeling mo mag-isa ka always remember na I’m here for you and kahit hindi tayo masyadong nag-o-open up or naghe-heart to heart talks willing akong makinig sa’yo always."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.