'EXpecially For You': Jinly at Gary, 4 na buwan lang tumagal ang relasyon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'EXpecially For You': Jinly at Gary, 4 na buwan lang tumagal ang relasyon

ABS-CBN News

 | 

Updated May 22, 2024 03:07 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.



MAYNILA  -- Sumalang sa "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Miyerkules ang ex-couple na sina Jinly at Gary. 

Kuwento nina Jinly at Gary, apat na buwan lang tumagal ang kanilang relasyon. 

Naging bukas naman ang dalawa nang matanong kung ano ang mga hindi magandang bagay na tumabon sa kanilang relasyon.

"Parang sa una lang (caring) kasi parang noong naging kami, sa akin lang naman. na parang habang tumatagal at noong malapit na kaming mag-break, nawawalan na po ang caring niya, 'yung pag-aalala niya sa akin parang nahahayaan niya na po ako. At noong naging kami po hindi na po matimbang ang saya, puro lungkot na po. ... Kapag nag-aaway kami, siyempre LDR kami hindi namin napag-uusapan po," ani Jinly.

ADVERTISEMENT

"Madamdamin po siyang tao at madali po siyang makinig sa sinasabi ng iba. At saka kapag nagagalit siya hindi na niya bina-validate ang feelings ko," ani Gary.

Para kay Jinly, ang LDR o long-distance relationship ang isa sa nakaapekto sa kanilang pagsasama. 

Naniniwala naman si Gary na ang hindi pagkakasundo ng kanilang mga ugali ang kanilang naging problema. 

Pag-amin ni Gary, siya ang unang bumitaw sa relasyon.

"Hindi ko na rin kinakaya ang pagiging demanding niya po na lagi niyang gusto na lagi kaming magkasama eh alam niya na LDR kami nagde-demand siya na gusto niya lagi kaming magkasama," ani Gary.

Para naman kay Jinly, naniniwala siyang mas marami siyang ginawa sa kanilang naging relasyon.

Naniniwala naman ang dalawa na masaya na sila na natapos ang kanilang relasyon. Anila, marami rin silang natututnan sa isa't isa at sa kanilang naging pagsasama.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.