'EXpecially For You': Shane ipinagpalit ni Makmak para sa bagong boyfriend | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'EXpecially For You': Shane ipinagpalit ni Makmak para sa bagong boyfriend

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA  -- Bumisita sa "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Huwebes ang magkakabata at mag-ex na sina Shane at Makmak. 

Ayon sa ex-couple na si Shane at Makmak, mula sa pagiging magkababata, nag-level up sa ligawan at nauwi sa isang espesyal na pagtitinginan ang kanilang naging relasyon bilang girlfriend at boyfriend nanauwi rin, sa mabilis na hiwalayan dahil sa isang lalaki.  

"Nahuli ko po siya sa isang fastfood na mayroon po siyang ka-date. Tapos po parehas po silang lalake," ani Shane. 

"Tapos ang masakit pa doon, kaibigan pa po namin," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Makmak, hindi niya sinadya na lokohin ang kaniyang girlfriend noon na si Shane dahil sa joke-joke lang na date nila noon ng kanilang kaibigan.   

"Hindi naman po kami mag-dyowa non, parang M.U lang talking stage lang, hindi pa po kami," depensa ni Makmak. "Ano lang po 'yung joke-joke lang." 

Sa naging tanong ng mga "It's Showtime" host, inamin ni Makmak ang kaniyang tunay na naramdaman noon sa kaniyang kaibigan. 

"Pero 'yung guy po na iyun ang dating lang sa kaniya noon, tropa lang pero ang sa akin po may feelings po,"paliwanag ni Makmak. "Kaya sa lalaki po na 'yun normal lang po 'yung ginagawa namin kaya hindi niya binibigyan ng malisya, pero sa akin may feelings 'yun." 

At ng tanungin naman si Shane kung ano ang kaniyang naging reaksyon ng makita niyang may ka-date na lalaki ang kanyang boyfriend : "Hindi naman po, tinignan ko lang po sila ng mga ilang minuto tapos umuwi na ako agad. Sinabi ko po sa kaniya 'yun na pumunta po siya sa bahay usap po kami until na umamin po siya na mayroon nga daw tapos sinabi niya rin po sa akin 'yung main reason kung bakit niya po ginawa 'yun sa akin." 

ADVERTISEMENT

Sa naging pag-amin ni Makmak sa kaniya, inamin nito na naging panakip-butas lang niya ang naging relasyon nila ni Shane. 

"Parang ginawa lang po niya ako na panakip butas lang. (Para?) Para hind po malaman ng mga kaibigan namin 'yung parents niya na gay pala siya," ani Shane. 

Dahil sa naging sensitibo ang naging usapin siniguro ng Kapamilya host na si Vice Ganda kung may permiso nga ba si Shane na sabihin ito sa telebisyon. "Out ka na ngayon?" Tanong ni Vice kay Makmak. 

"Ngayon po out na po ako," sagot ni Makmak. 

Aminado naman si Shane na nasaktan siya sa naging kinahinatnan ng kanilang relasyon pero mas nangibabaw aniya ang kaniyang pang-unawa kay Makmak.

ADVERTISEMENT

"Nasaktan po ako pero hindi naman po totaly nasakyan talaga. (Bakit?) Hindi kasi kung akin po mayroon din po akong dalawang kuya na gay rin po. So kung sa kanila po nangyari 'yun at kung nasa sitwasyon niya 'yung pareho kong kuya, siguro gagawin rin po nila 'yun. (Naunawaan mo siya?) Opo naunawaan ko na ginawa niya 'yun may galit ako, pero hindi po sobrang malala 'yung naging galit ko sa kaniya."

Sa bahagi ng kuwentuhan, nag-bahagi ng kaniyang saloobin si Vice Ganda sa sitwasyon ni Makmak. 

"Ang hirap kasi talaga ng ganyan, alam mo 'yung hindi ko sinasabing tama 'yun kasi ako ginawa ko din 'yun at nag girlfriend ako para ganun din, baka maging lalake ako, baka magiing straight ako. Pinipilit naming maiba 'yung totoong pagkatao namin, para lang maging mabuti kayo sa amin," ani Vice. 

Dagdag pa ng Kapmilya host: "Kasi kung magiging ganun kami, lolokohin niyo kami, aasarin niyo kami, papagalitan kami sa bahay, puwede kaming itakwil, lalayuan kami, magiging iba ang pagturing niyo sa amin at dahil sa sobrang takot ng nararammdaman namin na gaganunin niyo kami, pinipilit namin ibahin 'yung totoong kami at lokohin ang mga sarili namin para lang magustuhan niyo kami at tanggapin niyo kami, ganun iyun kahirap."

Sa huling bahagi ng kuwentuhan, inamin ni Shane at Makmak na sa kabila ng nangyari sa kanilang relasyon, nanatili ang kanilang pagkakaibigan. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.