Christine Bermas at Nico Loco sumalang sa 'EXpecially For You' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Christine Bermas at Nico Loco sumalang sa 'EXpecially For You'

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA  -- Emosyonal ang sexy actress na si Christine Bermas sa naging pagsalang niya sa bilang searchee sa "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Martes. 

Kasama ang Itailan model actor at ex-boyfriend na si Nico Locco, ibinahagi ng ex-couple ang naging love story nila na tumagal ng dalawang taon. 

"Ngayon ko na lang kasi siya nakita ulit ng ganito after that," sambit ni Christine sa "It's Showtime" hosts. 

Ayon pa kay Christine, ang naging guesting sa Kapamilya noontime show lamang sila muli nagkita ng ex at patuloy pa rin ang kaniyang healing stage sa naging relasyon nila ni Nico. 

ADVERTISEMENT

"Nag-suffer ako ng 2 years eh," sambit ng aktres.  "Almost 2 months. February, like recently. That's why I cried."

"Kaya nga eh, okay na ako nung ano eh tapos bigla ko na lang nakita ulit siya, tapos na baliw nanaman ako," dagdag ni Christine sa Kapamilya hosts. 

Paliwanag naman ni Nico, nagkaroon sila ng closure ni Christine na maituturing niya na longest relationship niya.

"May closure naman pero like she said, this is the first time we see each other after two months so after ng feelings, love bumalik. (Sayo?) Sa kaniya at sa akin din," 

At gaya ng nararamdaman ng kaniyang ex na si Christine, inamin rin ni Nico na patuloy pa rin ang kaniyang proseso ng pagmo-move on. 

ADVERTISEMENT

"Hindi. Hindi ako happy, may emptiness sa puso ko for sure e' ganun talaga e, when you loved somebody. Hindi mawawala iyan," paliwanag ni Nico. 

Dahil kapwa nasa proseso ng pagmo-move on si Christine at Nico, isa rin sa naibatong tanong ng It's Showtime hosts ay kung mahal pa rin ba nila ang isa't isa.

"Mahal ko pa rin. Hindi mawawala 'yun agad when you loved somebody and you spend two years of your life with them hindi mawawala agad. So after seeing her, may love pa rin sa puso ko so, pero gusto ko ang best para sa kaniya and for her to be happy so importante na happy siya kahit wala ako sa life niya," saad ni Nico.  

"Hindi agad nawala 'yung love ko kasi he was my first boyfriend and it wasn't easy na parang mawala agad. I mean makakalimutan ko siguro 'yung iba pero," sambit naman ni Christine. 

Hindi man naging maganda ang naging kinahinatnan ng kanilang relasyon, espesyal para kay Christine at Nico ang "It's Showtime" na naging daan para sila ay magkakilala.

ADVERTISEMENT

"Medyo ironic, dito. Pero online, 'It's Showtime' online, this is right after the pandemic may guesting kami, pino-promote niya ang movie niya, pino-promote ko ang series ko tapos nakita ko siya sa Zoom holding room and sobrang ganda niya, the way she talks magalang and very sweet tapos my turn na, the director asked kung nagtatagalog ako pero hindi ko narinig ang sinabi niya sinabi ko ano po? tapos nag laugh siya I dont know why, hindi niya alam na hindi naka-mute ang zoom niya so akala ko ang bastos niya, she's laughing at me sabi ko bakit, and na message ko siya after the zoom (saan?) sa IG po," kuwento pa ni Nico. 

Mula sa simpleng tawanan noon, binigyan ni Christine ng pagkakataon ang sarili na kilalanin niya si Nico na naging dahilan naman para kaniya itong maging boyfriend. 

"Ang tahimik kong tao tapos hindi ako pala share ng thoughts ng feelings, hindi ako nag-e-express and then siya noong dumating siya sa life ko parang 'ang daldal naman ng taong to', so parang nag iba 'yung self ko nung dumating siya sa life ko parang mas naging mas open ako, tapos ang effort niya everyday, calling me everyday tapos palagi siyang nag send ng food that time,"dagdag na kuwento ni Christine. 

'CHEATING' NAGING RASON SA HIWALAYAN 

Mula sa kanilang dalawang taong relasyon, inilahad rin ni Christine at Nico ang naging dahilan ng kanilang naging hiwalayan. 

"Sinira niya lahat eh, sinira niya ang buhay ko kaya sabi ko stop," ani Christine. 

ADVERTISEMENT

"Kasi ako, that time namulat na ako sa self ko na sobrang nagbigay na ako ng love to this person tapos hindi na ako nagtira sa self ko, so alam ko aminado ako kapag naghiwalay kami nito, ako yung mas magsa-suffer at masasaktan. I gave too much like chance, I gave a lot of chances also and then biglang...Like may mga misunderstandings may mga ganung bagay kami especially sa work eh, so 'yun talaga 'yung nag trigger for both of us that's why we broke up," dagdag ni Christine. 

Ayon kay Nico, aminado siya na hindi naging perpekto ang kanilang relasyon na dumaan din sa ilang 'di pagkakaintindihan.

"Ayoko mag excuses eh, I'm not gonna stand here and make excuses pero, relationships are black and white. Lots of grays and ibang colors so maraming nangyayari sa isang relationship, hindi perpekto ang relationship namin, maraming times na nag-separate, nag-balik ganun paulit-ulit hindi siya perfect, ako hindi ako perfect, marami akong kasalanan sa buhay ko and I'm sure everybody's watching this may kasalanan din sila. Unfortunately, nag fail ako sa itong relationship. Yeah, that's all I have to say," paliwang ni Nico. 

Sa huling bahagi ng segment, nakilala ni Christine ang searcher na si Hesus bilang kaniyang magiging date.  

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.