Joshua Garcia, Julia Barretto binalikan ang bigay-todo nilang pag-iibigan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Joshua Garcia, Julia Barretto binalikan ang bigay-todo nilang pag-iibigan
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2024 05:24 PM PHT

MAYNILA -- Relate sa usapang pag-ibig ang ex-couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa kanilang naging pag-bisita sa "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Sabado ng tanghali.

Sa kuwentuhan ng "Showtime" hosts kasama ang "EXpeciall" couple for the day na sina Yurie at Dicon, kabilang sina Garcia at Barretto sa mga nagbigay ng kanilang personal na kuwento sa usapin ng pagtitira ng pagmamahal sa kanilang mga sarili.

"Binuhos mo ba lahat o nagtira ka rin naman?" tanong ni Vice Ganda kay Barretto.

"Buhos siyempre," ani aktres.
"Buhos siyempre," ani aktres.
ADVERTISEMENT
At gaya ni Barretto, buhos na pagmamahal rin aniya ang ibinigay ni Garcia noong sila pang dalawa ang magkarelasyon.

"Buhos rin naman, sobra-sobra," sagot ni Garcia na sinundan ng pabirong sambit ni Vice ng "Sobra-sobra?" na muling sinundot ni Garcia ng "Oo alam mo 'yan."

Paliwanag rin ni Garcia at Barretto, hindi naiiwasan na pigilan na ibuhos ang pagmahahal sa taong iyong minamahal.

"Hindi ko na-experience mag-pigil. Na experience mo ba ang magpigil? tanong ni Garcia sa ex na si Barretto.

"Hindi rin," sagot ni Barretto. "O 'di ba? tolod lang tayo talaga," saad pa ni Garcia.
"Hindi rin," sagot ni Barretto. "O 'di ba? tolod lang tayo talaga," saad pa ni Garcia.
ADVERTISEMENT
Ani Garcia dala ng kanilang murang isip noon, hindi nila nagawang kontrolin ang kanilang pagmamahalan.

"Most of our time, mga bata pa talaga kami. So, malala kaming mag-mahal,"pahayag pa ng aktor.

At sa darating na Agosto 14, muling mappapanood sa isang proyekto handog ng Star Cinema sina Garcia at Barretto para sa ulitimate closure ng kanilang past ang "Un/Happy For You" sa direksyon ni Petersen Vargas

PANOORIN:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT