Mark Michael, nakatanggap ng message mula sa composer ng kantang ‘Run To You’ | It’s Showtime

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Mark Michael, nakatanggap ng message mula sa composer ng kantang ‘Run To You’ | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jul 14, 2025 03:50 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Sa pagsisimula ng bagong work and school week, i-stretch ang mga buto para ready ang katawan na sumabak sa bakbakan. Hindi lang muscles ang i-exercise, pati mind and spirit, at sa good vibes kumapit, to survive this Monday na sobrang hectic.  

At i-exercise rin ang puso sa isang heartfelt kantawan with Mark Michael Garcia,isa sa mga pride ng “Tawag Ng Tanghalan.” Basta Tatak TNT, pang-international ang atake! Heto ang balitang maganda! Si Mark Michael, may super big collaboration with American composer, Allan Rich, na isa sa mga sumulat ng “Run To You” ni Whitney Houston.  

Dahil sa sobrang bilib, ipina-record ng American composer ang original version ng “Run To You” kay Mark Michael. Alamin kung paano unang narinig ni Allan ang tinig ng TNT champ.  

Mula sa dalawang barangay, mga beautiful muses ang mag-iingay para ibida ang kagandahan at confidence nila. Malalang puksaan na naman ang kaganapan sa Breaking Muse.  

ADVERTISEMENT

Ang pambato ng Brgy 167 Caloocan City, si Kim Chiu ang peg pagdating sa beauty. Teka, Kim Chiu, o Kim chu-huahua? Panlaban ni Muse Karen ang kasipagan, as a working student na palaging puyat para lang kumita, pero may extra time pa na tumulong sa kapwa. Kung kakausapin niya ang sarili sa salamin, ano kaya ang sasabihin? Si Meme Vice Ganda, may gusto rin iparating. Aniya, matutong mangarap nang mataas at huwag mag-settle sa bare minimum. Kaya nang tanungin kung kanino hihingi ng ganda, aba, si Karen, itinodo na. Kanino pa ba? Eh ‘di kay Anne Curtis, ang nag-iisang Dyosa! 

Matalas ang asset ni Kyla ng Brgy Pasong Putik, Novaliches. Ano nga ba ang advantage ng mahaba ang baba? Kung may pros, meron ding cons. Si Kyla, laging sawi sa pag-ibig. Ang mga relasyon niya’y nauuwi sa break up dahil ‘pag si jowa ay kan’yang niyakap, balikat ay sugat-sugat. At sa katanungan kung kanino niya ibibigay ang sobra-sobrang ganda, sabi niya, kay Muse number 1 na lang, para si Anne ay ‘di na maabala.  

Hindi lang wit at confidence, may baon din na talent ang muses of the day. Sa dance floor, finlex nila ang moves na havey! Kaya ang mga Board Members, natulaley! “I was gulat,” komento ni Kai Montinola. Uhmm, naintindihan kaya ng mga barangay members and straight English comment niya? Si Jameson Blake naman, kinilig at na-in love, pati si Negi ay bumilib. 

Samantala, si Anne, pinasayaw nang solo. Si Negi naman, inabangan ang pose ni Jameson, at may beauty advice for Kai. Kung confidence talaga ang usapan, walang ibang panalo, Negi, ikaw na!  

Mula Luzon, Visayas, at Mindanao, tatlong contenders ay nagpasikat na parang araw. Sinimulan ni Vincent Guim ang kantahan, bitbit ang piyesang “Nakapagtataka.” Sa performance ni Vincent, good points ang nakita ni hurado Nonoy Zuniga, na pinuri ang tenor vocals niya. 

ADVERTISEMENT

Si Althea Sagubran, bumirit ng “Maghintay Ka Lamang,” na oks kay hurado Dingdong Avanzado. Pero, payo nito, “don’t over sing,” para ang birit ay saktong sakto. 

“Nang Iwan,” hugot ni Thea Monterde sa entablado. “Ang kapal ng boses mo,” komento naman ni Punong Hurado Louie Ocampo, na bahagyang napatawa ang mga tao sa studio. 

Sina Vincent at Thea ang naglaban sa KanTapatan. At sa scores na 94.7% - 94.3%, si Vincent ang lamang at lababang muli sa tanghalan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.