Pabahay sa Kadamay: 'Technical malversation' kung walang amyenda sa batas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pabahay sa Kadamay: 'Technical malversation' kung walang amyenda sa batas
Aleta Nieva Nishimori,
ABS-CBN News
Published Apr 05, 2017 01:40 PM PHT
|
Updated Apr 10, 2017 04:44 PM PHT

Bagama't sinabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipamigay ang pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa Bulacan sa mga umokupang miyembro ng grupong Kadamay, may proseso pa rin itong dapat daanan.

Ayon kay Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr., kailangan munang amyendahan ang 2017 General Appropriations Act bago tuluyang maipamigay ang pabahay para makaiwas sa asunto tulad ng technical malversation.

"We need to come up with amendment of the law para hindi tayo mahabla sa Ombudsman. Kasi kung hayaan natin ito na walang amendment, magiging technical malversation ito," sabi ni Evasco sa DZMM ngayong Miyerkules.

Paliwanag pa ni Evasco, dapat partikular na mailagay sa 2017 General Appropriations Act na nakalaan para sa mga umokupang miyembro ng Kadamay ang pabahay ng NHA.

"Kasi may pera dyan, specific 'yan, 'yung pera gagamitin sa housing ng pulis at Armed Forces of the Philippines members."

Nitong Martes, sinabi ni Pangulong Duterte na maaari nang manatili ang mga kasapi ng Kadamay na umokupa sa anim na housing projects sa Bulacan basta't huwag lamang nilang gambalain ang mga pulis at sundalong kasalukuyang nakatira doon.

Una nang sinabi ni Sen. Richard Gordon na hindi siya sang-ayon sa pagbibigay ng pabahay sa Kadamay matapos okupahin ang mga government housing units sa Bulacan.

"Kinukuha yung bahay na ginagawa ng NHA, ibibigay mo dun sa mga nanggugulo. Bad signal, Mr. President. You're falling on your own sword," ani Gordon sa panayam sa DZMM.

"Nadadapa ka sa sarili mong espada because pagka-ganyan, that’s a ticket to what you call anarchy—anybody taking the law into their own hands. These people are not above the law, and we should not do that."

PROBLEMA SA PABAHAY
PROBLEMA SA PABAHAY
Ayon kay Evasco, handa naman umanong suportahan ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez ang pag-amyenda sa batas upang maging legal ang pag-okupa sa mga housing unit.

Si Benitez ang tagapangulo ng komiteng nakatutok sa Housing and Urban Development sa Kamara.

Ipinaliwanag din ni Evasco na may programa ang NHA para sa mga pinakamahihirap na Filipino.

Samantala, para kay Evasco, hindi na siya nasurpresa sa aksyon ni Duterte.
Samantala, para kay Evasco, hindi na siya nasurpresa sa aksyon ni Duterte.
ADVERTISEMENT
"'Yung nangyari sa Kadamay, it is a reminder really of government's responsibility to respond to the housing needs of our people," dagdag pa niya.

Sa kabila nito, hindi naman aniya nangangahulugan na dapat na idaan ang paggiit sa mga pangangailan na ito nang puwersahan o "by pressure".

"It does not mean also that we have to allow people to make us a hostage of pressure tactics kasi this will set a very bad precedent," aniya.

Sabi ni Evasco, may programa naman ang NHA para sa mga maralitang Filipino.

"There is a program that stipulate that after 5 years of occupation, they have to start paying P200 a month...that is on the assumption that after 5 years, mayroon na silang mga hanapbuhay na hindi naman magiging dole out program ng gubyerno," sabi niya.

Kuwento ni Evasco, nagpulong na ang NHA, mga kasapi ng Kadamay, at ang Makabayan bloc dalawang linggo na ang nakalipas at pinagusapan na doon ang kanilang unang option.

"May iba pang units na hindi pa nauumpisahan ang pag renovate at saka pag attach ng utilities. Payag naman sila na i-prequalify silang lahat bago mag takeover," sabi niya.

"Then may prequalification activity kasi baka meron naman sa Kadamay who have been given units before at saka baka ibinebenta na mga units...Tingnan natin yan baka magkadoble-doble yan," dagdag pa ni Evasco.

Patungo naman ngayon sa HUDCC si Evasco upang pulungin ang management committee at ang general manager ng NHA upang tingnang ng maayos ang instruksiyon ng presidente at kung paano ito pwedeng gawin sa lalong madaling panahon.

"The government is really in its course to address the needs of our people regarding housing," aniya.