Miss Q&A finalists, inirampa ang National costume | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Miss Q&A finalists, inirampa ang National costume

Miss Q&A finalists, inirampa ang National costume

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 22, 2022 08:06 PM PHT

Clipboard

Hindi na sinayang ni Anne Lorenzo ang pangatlong pagkakataon ibinigay sa kanya nang hirangin siya bilang "Miss Q & A:Kween of Multibeks" sa "Miss Q & A:Kween of Multibeks Queen-finity War" nitong

Sabado, Oktubre 22.

Siya ang napiling koronahan bilang bagong reyna ng Miss Q &A matapos niyang nakuha ang pinakamataas na total combined scores na 92.1% mula sa hurados na sina Nicole Cordoves, Small Laude, Jugs Jugueta and Teddy Corpuz, Jojo Bragais, Zeinab Harake, Doris Bigornia, at Robi Domingo. Matapang nga niyang sinagot ang tanong sa Final Chukchak kung naniniwala siyang may taong tanga.

Ani ni Anne, "Naniniwala akong may taong tanga dahil sinasadya niyang magpaka-tanga dahil lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mail. Nilikha tayong matalino pero choice natin magpaka-tanga. Sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nilang magpaka-bobo sa mga sitwasyong na kailangan at kayang-kaya naman nilang maging matalino."

ADVERTISEMENT

Tinalo nga niya ang kapwa niyang 'All-Star Warlahan' contestant na si Manny Dionisia at si Karen Montecillo.

Bilang grand winner, nanalo siya ng P500,000, isang negosyo package na nagkakahalagang P450,000 mula sa Esting's Bellychon, pampaganda package na nagkakahalagang P100,000 mula sa Queens Wellness and Beauty Center, isang trophy na gawa ng kilalang visual artist na si Toym Imao, at Queen-finity crown na dinisenyo ng M.S. Crowns.

Kilala si Anne bilang isa sa finalist ng “Miss Q & A InterTALAKtic 2019." Sa kanyang pagbabalik sa "All Star Warlahan" sa "Miss Q & A: Kween of Multibeks," muli nga siyang naligwak sa semi-finals. Buti na lang at swinerte si Anne ng masungkit ang Madlang Pi-Poll's Choice Award para tumuloy sa grand finals.

Mula siyam na finalists, nakalusot siya sa Top 6 at tinalo si Sashie Esmeralda sa 'DeBattle.' Ang iba namang grand finalists na hindi pinalad makausad sa kompetisyon ay sina Ivern Doroteo, Ralph Conducto, at ang Hurado's choice na si Heart Mae Perez.

Nagbigay naman ng kanyang huling mensahe at nag final walk ang "MissQ & A InterTALAKtic 2019" grand winner na si Mitch Montecarlo Suansane. Bumaha rin ng magagandang papuri at nag-trending ang hashtag ng show na #MissQandAQueenfinityWar at inihalintulad pa ito sa Miss Universe.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.