ALAMIN: Mga dapat bantayan sa katawan ng babaeng kapapanganak pa lang | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga dapat bantayan sa katawan ng babaeng kapapanganak pa lang
ABS-CBN News
Published Jan 02, 2020 03:31 PM PHT
|
Updated Jan 02, 2020 05:02 PM PHT

MAYNILA — May mga babaeng iniisip na matapos nilang manganak ay mabilis nang babalik sa normal ang lagay ng kanilang katawan at makababalik na sila sa mga pang-araw-araw na gawain noon.

Pero ayon sa obstetrician-gynecologist na si Aurora Tajan, marami pang pagdadaanan ang katawan ng isang babaeng kapapanganak pa lang bago ito bumalik sa normal.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM, tinalakay ni Tajan ang ilan sa mga maaaring maranasan ng isang bagong panganak.

Una na rito ang pagdudugo sa may puwerta.
Una na rito ang pagdudugo sa may puwerta.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Tajan, posibleng magkaroon ng pagdudugo kapag tumigas ang matres at hindi bumalik sa dati nitong size, na nakamamatay.

"Binabantayan natin na dapat bumalik siya sa dating size kasi kapag hindi, tumitigas 'yong matres. Pagkatapos maaaring duguin ang isang ina. Delikado 'yan," ani Tajan.

Malaregla umano ang karaniwang pagdudugo pero kapag mas marami kaysa rito o nakitaan ng pamumuo, ipinayo ni Tajan na magpatingin na sa doktor.

Anim na linggo ang itinatagal bago bumalik sa normal na size ang matres.

Bukod sa umano ay katamaran ng matres na bumalik sa orihinal na laki, ilan pa sa mga maaaring sanhi ng pagdudugo ang naiwang inunan at mga laceration o hiwa.

Iginiit din ni Tajan na hindi dapat balewalain kapag nahirapang huminga ang isang bagong panganak na babae.

Maaari raw kasing pulmonary embolism na ang kondisyon, kung saan ang namuong dugo ay bumiyahe sa baga.

Dapat ding bantayan kung naglalagnat ang isang ina dahil maaari raw itong senyales ng impeksiyon.

Puwede rin umanong tumaas o bumaba ang blood pressure ng ina, ayon sa doktora.

Tintingnan din, ayon kay Tajan, kung nakakapag-breastfeed nang maayos ang ina. Kapag hindi tama, maaari raw kasing makaranas ng pananakit sa dibdib ang babae.

Dahil naman sa pagka-stretch sa matres at bahagi ng pelvis, puwedeng makaranas ng urinary incontinence o kahirapan sa pagkontrol ng ihi, o almoranas ang babae.

Tinitingnan din ang sikolohikal na kakayahan ng babae na mag-alaga ng kaniyang anak at kung nakararanas ba siya ng depresyon.