ALAMIN: Paano nagkakaroon ng bulate sa tiyan? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano nagkakaroon ng bulate sa tiyan?

ABS-CBN News
Published Jan 07, 2020 03:12 PM PHT

Nagbabala ang isang doktor ukol sa pagkakaroon ng maraming bulate sa tiyan dahil maaari raw makarating ang mga ito sa ibang bahagi ng katawan.

Bagaman karaniwang nahahanap sa tiyan ang mga bulateng nakapapasok sa katawan ng tao, maaari raw itong makarating sa ibang bahagi gaya ng tainga, utak at pati sa puso, ayon sa pediatrician na si Dr. Cynthia Cuayo-Juico.

"Nakakatakot kasi baka kung saan pumunta iyong bulate," sabi ng doktora sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

"They can go anywhere," aniya.
"They can go anywhere," aniya.
ADVERTISEMENT
Ipinaliwanag ni Juico na ilan sa mga sanhi ng bulate sa tiyan, lalo sa mga bata, ay iyong improper hygiene o kakulangan ng kalinisan sa katawan at hindi tamang paghahanda ng pagkain.

"Naglalaro ka sa lupa, humahawak ka sa lupa tapos 'yong mga sinusubo mo, may itlog ng bulate iyon," ani Juico.

Pagdating naman sa pagkain, maaaring hindi nahugasan o nalinis nang maigi ang mga sangkap ng pagkain, gaya ng mga prutas o gulay, kaya puwedeng makapasok ang bulate sa katawan.

Puwede ring hindi naglinis ng mga kamay ang nagluluto kaya maaaring masama ang mga bulate sa pagkain.

Ipinayo ni Juico ang regular na paghuhugas ng kamay at paggupit ng mga kuko para maiwasang makakain ng mga bulate o ng mga itlog nito.

Ilan umano sa mga sintomas ng pagkakaroon ng bulate sa tiyan ay ang paglaki ng tiyan, pagiging maputla, paglalagnat, at abdominal pain o pananakit ng tiyan.

Para sa mga bata sa mga pampublikong paaralan, nagsasagawa ang Department of Education ng deworming, kung saan binibigyan ang mga estudyante ng gamot para mapurga ang mga bulate sa tiyan.