ICYMI: Pinay, 4th placer sa The Voice of Germany 2023

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ICYMI: Pinay, 4th placer sa The Voice of Germany 2023

Grace Sheela Pickert | TFC News Germany

Clipboard

BERLIN - Muling nagpamalas ang husay ang mga Pilipino sa katatapos na The Voice of Germany 2023. Sumali ang Bicolanang si Joy Esquivias at pinahanga niya ang mga judges at audience.

Nasungkit niya ang 4th place pero sa puso ng mga Pinoy na nakapanood sa kanyang journey, siya ang grand winner na nagbigay pride sa mga kababayan. Four- chair turner siya sa blind audition sa awiting “Symphony.”

Panalo sa battle round sa duet na “The Best Part of Me.” Nag-shine sa team competition at pasok sa semi-finals sa kantang “Chandelier.”

Pasok din siya sa grand finals at inawit ang “Grenade.” Sa opening number ng grand finals, bigay todo ang tubong Casiguran, Sorsogon na si Joy, nang kinanta niya, kasama ang kanyang judge-mentor na si Shirin, ang sikat na German song mula kay Helene Fischer na pinamagatang “Atemlos.” “Promenade” naman ang title at final song ng 26-anyos na si Joy at co-composer din siya ng kanta, kasama ang kanyang pianista.

ADVERTISEMENT

Naging emosyonal siya habang kinakanta ito dahil alay at inspirasyon niya rito ang kanyang anak.

“This is like the best reward to be able to sing an original song on the big stage,” sabi ni Esquivias, 4th placer, The Voice Germany 2023.

Apat na taon nang naninirahan sa Manheim, Germany si Joy. Hiwalay man sa dating partner, maayos ang relasyon niya sa tatay ng kaniyang anak na co-parent sa kanilang anak na si Magnus.

Ayon kay Joy nahihilig na rin ang kanyang limang taong gulang na anak sa pagkanta. Very supportive raw ang kanyang anak, bagay na nagpapalakas sa loob habang lumalaban sa mga kompetisyon.

“He always tells me, “Mama you can do it. You´re the best singer in the world,” sabi ni Esquivias.

ADVERTISEMENT

Pang-anim si Joy sa walong magkakapatid, malaking inspirasyon daw niya ang kanyang yumaong ama na siyang nagtulak sa kanya na pasukin ang larangan ng pagkanta.

Wala raw siyang voice lessons, pero kasali siya noon sa choir ng kanilang simbahan sa Casiguran at sa Bicol University kung saan siya nag-aral ng A.B. Broadcasting.

Naging jazz singer din sya sa Legazpi at sumali rin umano siya sa It´s Showtime: Tawag Ng Tanghalan noong 2017. Sina Lea Salonga at si KZ Tandingan ang ilan sa iniidolo niyang mga local singers.

Laking pasasalamat ni Joy sa lahat ng sumuporta sa kanya at masaya siya na naging 4th placer siya sa grand finals.

“I was living my dream and I´m very grateful for this opportunity that I had. It was an amazing journey. And, I´m so happy with my performance and the feedback that I got from the coaches and the people from the Philippines and also here in Germany. It was just an amazing experience,” dagdag ni Joy.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Germany, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.