Paano maiiwasan ang bangungot?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano maiiwasan ang bangungot?
ABS-CBN News
Published Jan 21, 2018 11:24 PM PHT

Karaniwang bangungot ang tawag sa hindi magandang kondisyong nararanasan sa pagtulog na minsan pa'y sanhi rin umano ng pagpanaw habang nahihimbing.

Pero may medikal nga bang basehan ang bangungot?

"Kilala natin na 'bangungot.' That means 'yong natulog ka, sabi nila parang nagkaroon ng masamang panaginip at hindi na nagising, namatay sa pagtulog," paliwanag ni Dr. Patrick Gerard Moral, isang eksperto sa sleep medicine at associate professor sa UST Faculty of Medicine and Surgery.

Ayon kay Moral na nakapanayam sa "Ma-Beauty Po Naman" na programa ng DZMM, bangungot ang lokal na tawag sa nasabing kondisyon, habang sa ibang bansa naman ay ginagamit nila ang terminong "sudden unexplained nocturnal death syndrome."

"Karaniwan ito sa mga lalaki, mga younger age group, sinasabi nila malamang dala ito ng isang problema mismo sa puso," paliwanag ni Moral.

Maaari ring "pancreatitis" ang kondisyong dinaranas ng isang binabangungot.

"Mayroon nga tayong isang artista na sinabi nila namatay, si Rico Yan dati, na it was bangungot."

"Maaari lang 'yan mangyari [pancreatitis] na coincidental na sa gabi. That means 'yong pancreas o lapay natin, ay nagkaroon ng pamamaga kaya nga it's called pancreatitis or inflammation. Mayroon itong laman na mga enzymes, na maaaring sumira sa pancreas mismo. Dahil doon puwedeng maaaring magdugo, kaya sa pagdurugong iyon, hindi na siya nagigising sa umaga, ikinamamatay niya na iyon," paliwanag ni Moral.

Gayunman, wala pa rin aniyang direktang maibibigay na dahilan ang bangungot.
Gayunman, wala pa rin aniyang direktang maibibigay na dahilan ang bangungot.
ADVERTISEMENT
"Although mas maraming nagsasabing na malamang it's an abnormal 'electrical wiring' ng puso natin kaya nangyayari sa gabi. Hindi pa rin talaga natin proven kung ano'ng absolute causes, pero ito dalawang potential na dahilan na magkabangungot ang isang tao," ani Moral.

May payo rin ang doktor para maiwasan ang posibilidad na makaranas ng bangungot.

"'Yong mga mahilig mag-buffet ng near bedtime na, baka kailangan kung gusto mong mag-buffet, aga-agahan mo nang kaunti at hinay-hinay lang."

Ayon sa doktor, ilang oras kasi ang bibilangin para matunaw ng tiyan ang kinain at hindi ito makaistorbo sa pagtulog.

"Isang advice namin, you allow some time before you sleep, bago ka mahiga, para at least 'yon ay ma-digest, makababa by virtue of gravity, maibababa nang kaunti ang kinain mo," sabi ni Moral.

"Bigyan mo ng pagitan ang pagkain at pagtulog mo... kasi four hours ang emptying time ng tiyan mo, by that time, nakababa na lahat ng kinain mo."

Bukod sa maaaring makaiwas sa bangungot, mainam din ang mahabang palugit ng panahon sa pagitan ng pagkain at pagtulog para na rin sa mga nagbabantay ng timbang.

"Kung gusto mo ring hindi ka nagge-gain ng masyadong weight, magandang matapos nang maaga ang iyong hapunan, sabi nila it's healthier also," ani Moral.