TIPS: Wastong paghuhugas ng kamay para iwas-sakit
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TIPS: Wastong paghuhugas ng kamay para iwas-sakit
ABS-CBN News
Published Jan 27, 2020 02:46 PM PHT

“Prevention is better than cure” ang isa sa mga gasgas na paalala upang maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang sakit.

Ang pagpapanatili ng proper hygiene o kalinisan ng katawan, partikular ang paghuhugas ng kamay, ang isa sa mga pinakamabisang paraan para makaiwas sa karamdaman, ayon sa isang doktora.

Ang kamay kasi ay isa sa mga bahagi ng katawan na maaaring pasukan ng mga bakterya at virus o magamit para makahawa, sabi ng family health expert na si Cheridine Oro-Josef.

“Very important ang handwashing,” ani Josef sa panayam ng “Sakto” ng DZMM.
“Very important ang handwashing,” ani Josef sa panayam ng “Sakto” ng DZMM.
ADVERTISEMENT
Bukod sa mga palad at mga likod nito, mahalagang mahugasan din umano nang maigi ang mga daliri, gitna ng mga daliri at pati mga kuko.

Ipinayo rin ni Josef na tiyaking malinis ang tubig na ginagamit sa paghugas ng kamay.

“Kung sa bahay naman po, ito naman po ay regulated ng ating water system, maayos naman po ito,” aniya.

Kung may pagdududa sa tubig, pakuluan ito para mapatay ang mga bakterya at virus.

Ipinaliwanag din ni Josef na mas mabisa ang paghuhugas ng kamay sa tubig kaysa paggamit ng mga hand sanitizer at alcohol dahil ang mga ito ay bacteriostatic lamang o pinipigilan lamang ang pagdami ng bakterya pero hindi naman talaga napapatay ang mga ito.

“Malaking tulong na rin siya kung halimbawa, walang tubig,” aniya.

Bukod sa paghuhugas ng kamay, ipinayo rin ng doktora ang regular na paggupit ng kuko, at pagtakip sa bibig o paggamit ng mga panyo o tissue kapag babahing o uubo.