RECIPE: Pancit molo soup | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Pancit molo soup

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa malamig na panahon ay swak ang paghigop ng mainit na sabaw.

Maaaring subukang magluto ng pancit molo soup, na nakagagaan sa pakiramdam.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinera na si April Belleza para ibahagi kung paano lutuin ang pancit molo soup.

Narito ang mga sangkap:

1/4 kilong giniling na baboy
1/4 kilong karne ng manok
1 kutsaritang asin
2 kutsaritang toyo
1 kutsaritang pamintang durog
2 itlog
2 kutsarang harina
2 tasang tubig
20 pirasong molo wrapper
Tao siam flat noodles (optional)
Dahon ng sibuyas
Bawang
Itlog
Dahon ng sibuyas
Sibuyas

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Para sa molo balls

Paghalu-haluin ang mga sangkap gaya ng giniling na baboy, harina, itlog, paminta, bawang at sibuyas.

Haluing mabuti bago ibalot sa molo wrapper.

Para sa sabaw

Maggisa ng sibuyas at bawang sa isang kaserola at isangkutsa dito ang manok.

Lagyan ng 2 basong tubig ang sinangkutsa at pakuluan ng 30 minuto hanggang lumabas ang lasa ng manok. Timplahan ng asin at paminta.

Sunod na ilagay ang flat noodles at hiniwa-hiwang molo wrapper at molo balls. Pakuluan ng 5 minuto hanggang lumutang ang molo balls.

ADVERTISEMENT

Kapag lumutang na ang molo balls, ihalo ang itlog sa sabaw.

Lagyan ng fried garlic at dahon ng sibuyas sa ibabaw bago ihain.

Maaari nang ihain ang pancit molo soup

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.