ALAMIN: Ilang pagkaing masama sa puso
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ilang pagkaing masama sa puso
ABS-CBN News
Published Feb 23, 2020 02:18 PM PHT

MAYNILA — Malasa at katakam-takam man ang mga pagkain at inuming gaya ng fried chicken, bacon, chicharon, candy, at soft drinks pero nakasasama naman daw ang mga ito kapag sobra sa konsumo.

Maituturing na kalaban ng puso ang mga pagkaing pinirito at matatamis dahil maaaring magdulot ang mga ito ng pagbara sa ugat sa may nasabing organ, ayon sa doktor na si Gerardo Manzon.

"'Yong mga fried, pinirito, ang obvious, pinupuno niya ‘yong mga ugat ng taba tapos iyong mga matatamis naman, isa ‘yon sa mga rason kung bakit laganap ang diabetes," paliwanag ni Manzon sa programang “Salamat Dok.”

“Ang epekto naman ng diabetes, sinisira niya ‘yong mga ugat para madaling kumapit itong mga taba,” dagdag ni Manzon, ang deputy executive director for medical services ng Philippine Heart Center.

Ayon kay Manzon, hindi naman ipinagbabawal ang pagkain sa mga pinirito at matatamis pero dapat ay hindi sumobra.

“Lahat katamtaman lang,” anang doktor.
“Lahat katamtaman lang,” anang doktor.
“Kaya ‘yong mga bata, hindi dapat masyado nagso-soft drinks saka nagke-candy. Hindi mo nakikita habang bata sila pero ‘pag lumaki na, doon lalabas lahat ng epektong masama,” aniya.

Makatutulong kung mga masustansiyang pagkain gaya ng mga gulay na lang ang kakainin at kung regular ang pag-ehersisyo ng isang indibiduwal.

Pero ayon sa doktor, hindi porke may active lifestyle ang isang tao ay puwede na nitong panayin ang pagkain sa mga pinirito at matatamis.

“Nanunubok ka kung tuloy-tuloy mong dinadagdagan ‘yong taba,” sabi ni Manzon.