Bahagi ng Baguio City isinara para sa 'Session Road in Bloom'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng Baguio City isinara para sa 'Session Road in Bloom'
ABS-CBN News
Published Feb 28, 2023 03:45 PM PHT

BAGUIO CITY — Nasa 300 stalls ang nakahilera ngayong Martes sa kahabaan ng Session Road sa Baguio City para sa taunang "Session Road in Bloom" na kasama sa pagdiriwang ng Panagbenga o Baguio Flower Festival.

Ayon sa Baguio City Public Information Office at sa bisa ng Ordinance No. 03, Series of 2023, sarado ang kahabaan ng Session Road mula Rotunda hanggang Magsaysay Avenue sa harap ng Maharlika Livelihood Center para sa "Session Road in Bloom" mula Peb. 27 hanggang Marso 5, 2023.

Iba't ibang mga produkto ang makikita sa bawat stalls na galing din sa iba't ibang lugar tulad ng mga bags, wallets na gawa sa habi, mga pasalubong, damit, artworks, at refreshing drinks.

Ayon sa panayam kay Astine Piog, isa sa store owners na lumahok sa "Session Road in Bloom," talagang kumukuha sila ng puwesto sa kahabaan ng Session Road sa tuwing isinasagawa ang taunang pagdiriwang.

"Every Session Road in Bloom po, may stall kami. Nire-represent namin 'yung local products po from Banaue, Ifugao. Masaya po na nakikita nila 'yung mga gawa ng local artist po," ani Piog.

—ulat ni Jobelle B. Galapate
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT