Ano ang mga palatandaang may 'bukol' sa obaryo?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang mga palatandaang may 'bukol' sa obaryo?
ABS-CBN News
Published Mar 02, 2018 05:29 PM PHT
|
Updated Oct 24, 2018 05:32 PM PHT

Sa unang tingin, mapagkakamalang nagdadalang-tao ang 60 anyos na si Adelpa Lismis.

Dati siyang namamasukan bilang kasambahay at tagapag-alaga ng mga bata pero napilitan siyang huminto dahil sa kaniyang bukol sa obaryo.

Taong 2015 nang unang makapa ni Lismis ang bukol malapit sa kaniyang puson.

"Parang may bilog na kalamansi sa puson ko, hinayaan ko lang kasi akala ko naman 'yun ay 'yung medyo mataba ba," kuwento ni Lismis.

Laking gulat na lang ni Lismis nang magsimula itong lumaki na parang lobo. Dito na niya minabuting magpatingin sa doktor at nakumpirmang mayroon siyang ovarian cyst o bukol sa obaryo.

Ang ovarian cyst ay isang sac sa loob ng obaryo na may lamang fluid o substance na gas o likido.

Ilan sa mga palatandaan nito ay ang pananakit at pressure sa tiyan, pagkaantala o iregular ng regla, hirap sa pagdumi, at pananakit habang nakikipagtalik.

Inilarawan naman ni Dr. Sharon Mendoza, isang gynecologist na sumuri kay Lismis, ang kalagayan ng ginang.

"Ang problema natin, puro itim lang 'yung kayang makita dun sa maliit nating ultrasound. So 'pag ganyan na itim, usually sinasabi natin na fluid ang laman niyan," ani Mendoza.

Tunghayan ang buong kuwento ni Lismis at iba pang mga detalye hinggil sa ovarian cyst sa "Salamat Dok" sa Sabado, alas-6 ng umaga, sa Channel 2.

-- Ulat ni Obette Serrano at Marla Papas, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT