Pagkaramdam ng pagkalaglag sa pagtulog ipinaliwanag

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkaramdam ng pagkalaglag sa pagtulog ipinaliwanag

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kadalasang iniuugnay sa kababalaghan ang pakiramdam ng isang tao na tila siya ay nahuhulog habang papatulog.

Sa programang "Salamat Dok," pinabulaanan ng sleep medicine specialist na si Dr. Rodolfo Dizon na may kinalaman sa mga multo ang naturang karanasan, na tinatawag na hypnic jerk.

Ayon kay Dizon, nararanasan ng isang tao ang hypnic jerk kapag siya ay papatulog pa lang at nakaranas ng biglaang pag-urong ng kalamnan.

"'Yong hypnic jerk kasi nangyayari sa pasimula ng tulog," ani Dizon.

ADVERTISEMENT

"Maaaring nagko-contract 'yong isang part ng muslce, biglaan, o 'yong pag-urong ng kalamnan," aniya.

Nangyayari ang hypnic jerk kapag ang indibiduwal ay kulang sa tulog, palaging puyat, stressed o pagod, at sobra sa pag-inom ng caffeine, ayon kay Dizon.

Madalas daw itong nararanasan sa unang 30 minuto ng pagtulog.

"Nararamdaman natin kadalasan 'yong parang nahuhulog tayo o parang may humihila sa paa," ani Dizon.

Nilinaw rin ni Dizon na hindi delikado ang hypnic jerk pero maaari itong magdulot ng insomnia o iyong kondisyon na hirap makatulog ang isang tao.

Puwede raw kasing matakot nang matulog ang isang tao dahil sa pakiramdam ng pagkahulog.

"Maaaring maging isang trigger para magkaroon ng insomnia 'yong isang tao dahil sa takot niyang matulog," ani Dizon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.