ALAMIN: Para saan ang appendix? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Para saan ang appendix?

ALAMIN: Para saan ang appendix?

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 22, 2019 05:48 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ano nga ba ang silbi ng appendix sa katawan ng isang tao?

Ayon kay Dr. Jade Jamias, isang gastroenterologist, may mga pag-aaral nang nagpapakitang may katuturan ang appendix sa katawan, taliwas sa dating paniniwalang "vestigial organ" o walang silbi ang nasabing organ.

"Sinasabi nating it's a vestigial organ but recently... May mga pag-aaral na sinasabing it's a storage house daw ng good bacteria," ani Jamias sa "Good Vibes."

"Halimbawa, ikaw daw ay nagdudumi o (nakakaranas ng) pagtatae, siya daw ang nagsu-supply ng good bacteria to reboot 'no... parang sa computer, 'yung population ng good bacteria sa large intestine," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Karaniwang remedyo sa karamdamang appendicitis o ang pamamaga ng appendix ay ang pagtanggal nito mula sa katawan.

Pero tiniyak ni Jamias na walang epekto sa katawan ang pagtanggal ng appendix. Ang mawawala lang aniya ay ang kapasidad ng appendix na bumuo o magtago ng mabubuting bacteria sa katawan.

"Kahit matanggal siya it's not something that is essential to life. Puwede siyang mawala pero itong function na magbibigay ng good bacteria mawawala," aniya.

Kasama sa sintomas ng appendicitis ang pagkakaroon ng pananakit sa bandang gitna ng tiyan at lilipat daw ang pananakit sa ibabang-kanang bahagi ng tiyan, kung saan matatagpuan ang appendix.

Maaari ring magsuka ang pasyente at mawalan ng gana tuwing kumakain. Lalagnatin din daw ang pasyente at maaaring makaramdam ng diarrhea, constipation, o kaya bloating.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.