Para di na itapon: Eggshells puwedeng gawing pagkain ng pets

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Para di na itapon: Eggshells puwedeng gawing pagkain ng pets

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Kadalasang tinatapon na ang balat ng itlog sa oras na maluto at makain na ang laman nito o magamit bilang sangkap ng ibang pagkain.

Pero ayon sa alternative medicine expert at coach na si Harris Acero, marami pang puwedeng pagkagamitan ang eggshells o iyong balat ng itlog.

Una na aniya rito ang paggamit sa eggshell powder bilang pagkain ng mga pet, gaya ng mga aso at ibon.

"Ang mga eggshell ay puwedeng gamitin at ihalo sa pagkain ng pets," ani Acero sa programang "Your Daily Do's" ng Teleradyo.

ADVERTISEMENT

"Ang eggshells ay mataas sa calcium o good source ng calcium pero ito ay niluluto at kailangang pag-aralan kung paano gamitin," dagdag niya.

Maaari ring magamit ang eggshells sa pagluluto bilang separator o panghiwalay sa puti at pula ng itlog.

Ayon kay Acero, puwede namang maging malikhain at gamitin ang eggshells bilang taniman ng halaman.

Kapag lumaki na ang seeds at tumubo na malaking halaman, saka lamang ililipat ang halaman sa mas malaking lalagyan, ani Acero.

Puwede rin umanong gawing lalagyanan ng kandila ang eggshells.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.