ALAMIN: Tips para mas mapadali ang pag-'let go' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Tips para mas mapadali ang pag-'let go'

ABS-CBN News
Published Apr 02, 2018 06:00 PM PHT
|
Updated Jan 08, 2019 03:12 PM PHT

Hindi madaling magparaya at bumitiw sa anumang relasyon lalo na kung mahabang panahon na ang naipuhunan, ayon sa isang motivational speaker.

Sa programang "Sakto" ng DZMM, tinalakay ni Lloyd Luna ang proseso para makapagpatuloy mula sa isang masakit na yugto ng buhay.

Ayon kay Lloyd, mas mapabibilis ang pag-"move on" o pag-"let go" kung susuriin ang kasalukuyang kalagayan at kung ano ang nais na maging estado sa hinaharap.

"Number one na dapat isipin is i-assess mo kung nasaan ka," ani Luna. "'Di ka puwede magpunta kung saan kung di mo alam kung nasaan ka."

Pero ayon kay Luna, likas din sa mga tao ang tumanggi sa pag-move on at paulit-ulit na magbigay ng pagkakataon o indahin ang mga hindi kanais-nais na kalagayan.

Hindi aniya dapat husgahan ang mga ganitong tao bilang "nagpapakatanga" dahil nangangahulugan lang na mataas ang kanilang kakayahang magtiis o magparaya.

"Very unique sa isa't isa kung ano'ng level 'yong kaya mong i-tolerate at hindi kayang i-tolerate. Naba-base 'yon sa individual na tao," ani Luna.

"Kaya we don't judge them na stupid ka, 10 taon kang nagpapaka-martyr. Pero at the end of the day, choice nila."

Kapag umabot naman sa pagkakataong napagtanto na kailangan nang lumisan sa isang hindi kanais-nais na kalagayan o relasyon, payo ni Luna'y huwag panghinayangan ang panahong inilaan.

Sa halip ay laging pagtuunan ang hinaharap.

Hindi lang aniya sa pakikipagrelasyon nagagamit ang ganitong disposisyon.

"Kahit nasa love life, career or business, you have to assess where you are... and then after assessment is acceptance," aniya.