Bakit asul ang lupa sa isang lugar na dinarayo sa Sagada? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit asul ang lupa sa isang lugar na dinarayo sa Sagada?

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 04, 2018 04:55 PM PHT

Clipboard

Dinagsa ng mga turista ang Sagada, Mt. Province nitong nakaraang Holy Week. Bukod sa malamig na klima, kilala rin kasi ang bayan na ito sa mga aktibidad tulad ng spelunking, caving, at mountain climbing.

Kabilang sa mga bumisita sa Sagada ay ang hiking enthusiast at artistang si Angel Locsin. Bagama't marami nang bundok na naakyat si Locsin, namangha pa rin siya nang personal na makita ang Kaman-utek Hills o mas kilala bilang "Blue Soil Hills."

Ang Blue Soil Hills ay isa sa mga pinakabagong tourist attractions sa Sagada.

Ang natatanging blue-green color ng Blue Soil Hills ay dala ng mataas na copper sulfate content ng lupa, ayon sa local tourism office ng Sagada. May mga researchers na rin umanong tumingin sa Blue Hills, at sinabing "safe" naman ito para sa mga turista. Mas tumitingkad ang asul na kulay ng lupa kapag basa ito, ayon sa mga tourist guide.

ADVERTISEMENT

Ang Kaman-utek Hills o Blue Soil Hills ay isa sa mga pinakabagong tourist attraction ng Sagada. Photo by Rhys Buccat, ABS-CBN News

Gayumpaman, marami pa ring halaman ang malagong tumutubo sa paligid ng blue soil kahit mataas ang copper sulfate content nito.

Napalilibutan ang Blue Soil Hills ng matatayog na pine trees, berdeng damo, at local variety ng pitcher plant -- isang carnivorous na uri ng halaman na kadalasang matatagpuan sa mga rain forest.

Para marating ang Blue Soil Hills, kailangang umarkila ng van mula sa tourism office ng Sagada. Mayroon ding mga tourist guide na puwedeng sumama sa pag-akyat.

Photo by Rhya Buccat

Parang kabuteng nagsusulputan sa damuhan ang pitcher plant sa Blue Soil Hills tuwing tag-ulan.

Photo by Rhys Buccat, ABS-CBN News

Napapaligiran ng matatayog na pine trees ang Blue Soil Hills.

Photo by Rhys Buccat, ABS-CBN News

Ang asul na lupa ng Blue Hills ay dala ng mataas na copper sulfate content ng lupa.

Photo by Rhys Buccat, ABS-CBN News

Perfect background sa selfie at groufie ang Blue Soil Hills.

Higit-kumulang 30 minutes na trekking ang kailangang pagdaanan bago marating ang Blue Soil Hills mula sa jump off point. Madulas ang lupa kapag umuulan, kaya dapat magdala ng walking stick para hindi matumba.

Paalala rin ng ilang guide na isapuso ang "take nothing, leave nothing" na mantra ng mga mountaineer. Ang ilang pasaway na turista kasi ay sumusubok magpuslit ng "blue soil" para gawing souvenir.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.