'Kahalagahan ng pamilya, kahulugan ng Holy Week pagnilayan'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Kahalagahan ng pamilya, kahulugan ng Holy Week pagnilayan'
ABS-CBN News
Published Apr 09, 2020 05:37 PM PHT
|
Updated Apr 09, 2020 06:04 PM PHT

Mistulang nabago ang takbo ng mundo dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Maraming tao, halimbawa, ngayon ang hinihikayat na manatili sa loob ng kanilang mga bahay para maiwasang mahawa at makapanghawa ng sakit.

Sa panayam sa inspirational blind singer na si Fatima Soriano, sinabi niyang maaaring magamit ang pagkakataong ito para makita ang kahalagahan ng tunay na pakikipag-ugnayan sa pamilya.

Ayon kay Soriano, marami na kasi ang nakalimot ng tunay na pakikipag-ugnayan sa pamilya dahil sa ingay ng mundo at pagiging abala sa sariling buhay.

"Nakalimutan na natin 'yong kahalagahan ng tunay na reconnection with our family. 'Yong magkukuwentuhan lang kayo, magtatatawanan lang kayo," ani Soriano sa panayam sa DZMM.

"Iba po kasi 'yong saya noon and hindi 'yon matutumbasan ng pakikipag-chat sa Facebook or maybe just a simple phone call na hindi mo sila nakikita. Iba pa rin 'yong kasama mo sila sa bahay," dagdag niya.

Bunsod din ng banta ng virus, naiba rin ang paraan ng pagdiriwang ng mga Katoliko ng Semana Santa.

Ipinagbawal muna kasi ang pagdaraos ng mga mass gathering tulad ng mga Misa at prusisyon, bilang pag-iingat laban sa sakit.

Sa halip, maraming pari ang nagsasagawa ng mga Misa na ipinalalabas sa telebisyon, mapakikinggan sa radyo, o mapapanood online.

Ayon kay Soriano, puwedeng kuhanin din ang pagkakataong ito para mapagnilayan kung ano ang tunay na kahalagahan ng Semana Santa nang hindi lumalahok sa mga nakagawiang tradisyon kaugnay dito gaya ng Visita Iglesia o Stations of the Cross.

"Pinapatingnan ni Lord siguro sa atin na 'Anak, bakit hindi mo talaga pagnilayan sa katahimikan sa isang kuwarto sa bahay mo? Ano 'yong kahalagahan ng Holy Week?'" aniya.

Ngayong hapon ng Huwebes Santo, umabot na sa 1,485,981 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa buong mundo, base sa tracker ng Johns Hopkins University of Medicine. Nasa 88,630 naman ang namatay sa sakit habang 330,782 ang gumaling.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
religion
Holy Week
family
COVID-19
coronavirus disease
Fatima Soriano
Jun Banaag
DZMM
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT