Paano maiiwasan ang mga usong sakit sa mata ngayong tag-init | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano maiiwasan ang mga usong sakit sa mata ngayong tag-init

Paano maiiwasan ang mga usong sakit sa mata ngayong tag-init

ABS-CBN News

Clipboard

Talamak ang mga sakit sa mata gaya ng sore eyes at kuliti tuwing tag-init dahil mas nabubuhay ang virus at mikrobyo sa panahong ito. Mas madali ring matuyo ang mata tuwing summer, na nagdudulot naman ng dry eyes.

Kung paano nakukuha, maiiwasan, at maaaring gamutin ang mga sakit na ito, narito ang mga payo ni Dr. Nilo Florcruz, isang doktor sa mata, mula sa kanyang panayam sa Magandang Gabi, Dok.

Sore Eyes

Madaling makahawa ang conjunctivitis o sore eyes dahil kumakapit ang virus nito sa lahat ng bagay, gaya ng cellphone, pinto, o computer na nahawakan na ng taong mayroong sakit na ito.

Sa oras na kuskusin ang mata ng kamay na may virus na ito, maaaring mamaga ang conjunctiva, o ang manipis na balamban sa puti ng mata at sa loob ng talukap na bumabasa rito tuwing kumukurap. Nagdudulot ito ng pagmumuta, matinding pangangati, at pamumula sa mata. Tila mayroon ding buhangin sa mata tuwing kumukurap.

ADVERTISEMENT

Maaari namang gumaling ang sore eyes nang hindi ginagamitan ng gamot, subalit makagagamit din ng steroid drops upang mabawasan ang sintomas at maiwasan ang komplikasyon.

Kuliti

Impeksyong dulot ng mikrobyo sa balat ng talukap ang sanhi ng kuliti. Kung hindi agad magagamot, maaari pa itong makabulag, kung kakalat ito hanggang sa optic nerves.

Maaaring gumamit ng antibiotic drops upang mapatay ang mikrobyong nananahan sa talukap. Maaari ring gumamit ng steroid drops 3 hanggang 6 na beses isang araw nang may 2-3 oras na pagitan.

Upang makaiwas sa sore eyes at kuliti:

  • Laging maghugas ng kamay nang maayos. Gumamit ng sabon at rubbing alcohol kung maaari.
  • Gumamit ng tissue sa pagpupunas ng kamay, at itapon pagkatapos.
  • Iwasang magkuskos ng mata.

Panunuyo ng mata o dry eyes

Dahil mas mainit ang panahon, mas madaling matuyo ang mata lalo na kung mas matagal na nakatutok sa cellphone at computer. Makati at mahapdi ang matang dumaranas ng panunuyo.

Upang makaiwas sa dry eyes:

  • Magpahinga sa trabaho, at ilayo ang mata sa kompyuter at cellphone. Kumurap-kurap din upang mabasa ang mata.
  • Gumamit ng artificial tears.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.