Paano maaayos ang away dahil sa pagseselos ng karelasyon?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano maaayos ang away dahil sa pagseselos ng karelasyon?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pagpapakatotoo ang unang hakbang para malampasan ng magkarelasyon ang kanilang away na nag-ugat sa selos, ayon sa mag-asawang nagbibigay ng payong pangrelasyon.

Ayon sa marriage at family counselors na sina Benny at Kenneth Guillermo, hindi madaling aminin ng isang karelasyon na nagseselos siya kaya madalas ay ibinabaling niya ang galit o pagkabalisa sa ibang bagay, na nagdudulot lang ng mas malalim na hindi pagkakasundo.

"Most of the time dine-deny natin, natural sa'tin 'yon kasi minsan feeling natin we are at a disadvantage kapag kinonsider nating jealous tayo. Kasi ibig sabihin, baka mas higher 'yong value ng mate natin than us," paliwanag ni Benny sa panayam ng "Sakto" sa DZMM.

"We tend to blame other things pero ang heart talaga no'n ay jealousy. Mayroon tayong insecurity na 'di natin ma-admit sa ating wives that's why we tend to blame other things," sabi naman ni Kenneth.

ADVERTISEMENT

Matapos umamin, ayon kay Benny, sunod na ipaliwanag sa karelasyon ang dahilan ng selos.

Marami umanong salik ang pagkakaramdam ng selos gaya ng takot na mawala ang karelasyon, o pagiging likas na seloso bunsod ng mga karanasan habang tumatanda o sa nakaraang relasyon.

"Articulate kung ano iyong underlying emotion sa selos mo. Could it be your fear of losing the partner? 'Yong insecurities mo, there are many issues," ani Benny.

Dagdag pa ni Benny, dapat may kamalayan ang isang tao kung may batayan ang kaniyang pagseselos o maaaring naghihinala lang siya.

Ayon sa mag-asawa, wala naman mali sa pagkaramdam ng selos dahil isa itong normal na emosyon. Nagiging suliranin lang kung paano ito hina-handle o ipinahahayag.

ADVERTISEMENT

Halimbawa ni Benny, nagiging positibo ang selos kung nahihikayat nito ang isang nasa relasyon na pagbutihin ang kaniyang sarili o pakikitungo sa karelasyon.

"Minsan kasi jealousy can also be a wake-up call na baka I've been neglecting too much 'yong boyfriend ko... in that case, it could be healthy na to take care of the relationship, may conscious effort na to win the partner back emotionally," aniya.

Nakasasama lang ito kung tinutulak nito ang isang tao na maging "controlling" o "manipulative."

Ayon naman kay Kenneth, habang tumatagal ay dapat nababawasan ang pagiging seloso ng magkarelasyon dahil mas nagiging "mature" at bukas silang pag-usapan ang mga bagay-bagay.

"We learned to talk about things, we learned to be honest, we learned to introduce our friends hanggang sa naging transparent na kayo, nakasanayan niyo to be transparent with each other, there's no more room for jealousy. Maliit na maliit na lang," ani Kenneth.

ADVERTISEMENT

Kuwento ng mag-asawa, batay sa kanilang karanasan bilang counselors, madalas pagselosan ang mga "ex" o dating inibig ng kasalukuyang karelasyon.

Madalas din kakumpitensiya ng babae sa atensiyon ng lalaki ang mga kabarkada nito, ayon kay Kenneth.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.