Maaari bang makabulag ang katarata?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maaari bang makabulag ang katarata?

ABS-CBN News

 | 

Updated May 01, 2019 05:42 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kapag napabayaan at hindi agad naipagamot, posibleng humantong ang katarata sa glaucoma o glokoma, na nagdudulot ng permanenteng pagkabulag, ayon sa isang ophthalmologist.

"'Yong hinog na hinog na na katarata, hinintay, hindi pinatingnan sa doktor, hindi pinaoperahan, puwedeng mauwi sa glaucoma," sabi ni Dr. Nilo Vincent Florcruz II sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Ang katarata (cataract) ay paglabo ng lente sa loob ng mata na nagdudulot ng panlalabo ng paningin habang ang glokoma ay pinsala sa optic nerve o ugat ng mata dulot ng pagtaas ng presyon sa loob nito.

Ang optic nerve ang "nagdadala ng image [larawan] mula sa mata papunta sa brain [utak]," paliwanag ni Florcruz.

ADVERTISEMENT

Puwede raw kasing mapataas ng katarata ang presyon sa mata na siyang magdudulot ng glokoma, na maaaring mauwi sa pagkabulag.

Ayon pa kay Florcruz, permanente ang pinsala sa paningin na dulot ng glokoma dahil optic nerve o ugat ang naaapektuhan.

"Hindi pa namin mare-reverse 'yong damage sa nerve. Ang kaya lang namin gawin, ang labanan sa glaucoma, huwag lalong lumabo or bumagal 'yong progression," ani Florcruz.

Kaya mainam umanong ipagamot ang katarata habang maaga at hindi pa nahihinog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.