RECIPE: Sinaing na tulingan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Sinaing na tulingan
ABS-CBN News
Published May 02, 2018 12:48 PM PHT

Isa ang sinaing na tulingan sa mga putaheng ipinagmamalaki ng mga taga-Batangas.

Hindi nawawala ang naturang dish sa hapag lalo na kapag may okasyon ang mga Batangueño.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," itinuro ng guest kusinera mula Batangas na si Madonna Arce kung paano lutuin ang sinaing na tulingan.

Upang simulan ang paggawa sa sinaing na tulingan, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:
• 1 kilo sariwang tulingan
• 1/4 tasang asin (rock salt)
• 1/4 tasa taba ng baboy
• 1 tasang kaong na suka
• 1/2 kalamyas o kamias na tuyo
• 2 tasa tubig
• Dahon ng saging (pambalot)
• 1 kilo sariwang tulingan
• 1/4 tasang asin (rock salt)
• 1/4 tasa taba ng baboy
• 1 tasang kaong na suka
• 1/2 kalamyas o kamias na tuyo
• 2 tasa tubig
• Dahon ng saging (pambalot)
ADVERTISEMENT
Hugasan nang 5 hanggang 6 na beses ang tulingan hanggang matanggal ang dugo. Higitin ang buntot ng isda.

Hiwaan nang bahagya ang gitna ng tulingan at piratin. Lagyan ng asin at ibalot sa dahon ng saging ang isda.

Ilagay ang kamias na tuyo at taba ng baboy sa ibabaw ng isda.

Ilagay ang suka at pakuluin sa loob ng tatlong minuto.

Kapag natuyo nang bahagya, lagyan ng 2 tasang tubig at hayaang kumulo hanggang lumambot at maluto ang tulingan.