RECIPE: Tortang giniling with patatas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Tortang giniling with patatas
RECIPE: Tortang giniling with patatas
ABS-CBN News
Published May 07, 2018 02:04 PM PHT

Kung naghahanap ng putaheng masarap, pasok sa budget, at madaling buoin, maaaring subukan lutuin ang tortang giniling with patatas.
Kung naghahanap ng putaheng masarap, pasok sa budget, at madaling buoin, maaaring subukan lutuin ang tortang giniling with patatas.
Ito ang putaheng ibinahagi nitong Lunes ni Chef James Amado sa "Umagang Kay Ganda."
Ito ang putaheng ibinahagi nitong Lunes ni Chef James Amado sa "Umagang Kay Ganda."
Narito ang mga sangkap na kailangang ihanda:
Narito ang mga sangkap na kailangang ihanda:
• 2 kutsara ng mantika
• 1/4 kilo ng giniling na baboy
• 20 grams ng sibuyas
• 15 grams ng kamatis
• 20 grams ng red bell pepper
• 20 grams ng green bell pepper
• 30 grams ng patatas
• 30 grams ng carrots
• 1 kutsarita ng toyo
• 3 piraso ng itlog
• Tubig
• 2 kutsara ng mantika
• 1/4 kilo ng giniling na baboy
• 20 grams ng sibuyas
• 15 grams ng kamatis
• 20 grams ng red bell pepper
• 20 grams ng green bell pepper
• 30 grams ng patatas
• 30 grams ng carrots
• 1 kutsarita ng toyo
• 3 piraso ng itlog
• Tubig
ADVERTISEMENT
Una munang gisahin ang red at green bell pepper, sibuyas, bawang at kamatis.
Una munang gisahin ang red at green bell pepper, sibuyas, bawang at kamatis.
Isama sa mga ginisang sangkap ang giniling bago lagyan ng 1/2 tasa ng tubig at hayaang mag-simmer o kumulo ng 10 minuto.
Isama sa mga ginisang sangkap ang giniling bago lagyan ng 1/2 tasa ng tubig at hayaang mag-simmer o kumulo ng 10 minuto.
Kapag tumuyo at lumambot ang giniling, isama ang piniritong patatas at carrots. Maaari ring dagdagdan ng pampalasang toyo, asin at paminta.
Kapag tumuyo at lumambot ang giniling, isama ang piniritong patatas at carrots. Maaari ring dagdagdan ng pampalasang toyo, asin at paminta.
Isalin sa isang malalim na lalagyan ang mixture at ihalo ang itlog.
Isalin sa isang malalim na lalagyan ang mixture at ihalo ang itlog.
Sa mainit na kawali, maaari nang prituhin ang tortang giniling.
Sa mainit na kawali, maaari nang prituhin ang tortang giniling.
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
recipe
cooking
pagluluto
tortang giniling
Umagang Kay Ganda
UKG
Winnie Cordero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT