Ano ang 'ideal age' para magbuntis?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang 'ideal age' para magbuntis?
ABS-CBN News
Published May 08, 2018 09:23 PM PHT
|
Updated May 08, 2018 09:31 PM PHT

Noong 2016, pinakamaraming bilang ng mga babaeng nanganak ay nanggaling sa age group na 20 hanggang 24 anyos, ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority.

Ayon sa gynecologist na si Sharon Gianan-Cruz, nasa edad 20 hanggang 25 ang "ideal age" para magbuntis ang isang babae base sa pisikal na kahandaan.

Sa ganitong edad daw kasi lubos na malakas at handa ang pangangatawan ng babae.

"Ang demand ng pregnancy sa body ng isang babae is really great. Kaya the best is 20 kasi fully developed na ang body ng babae noon," paliwanag ni Cruz sa programang "Sakto" ng DZMM.

"Ina-advise ko sila [to] have your babies before 30 kasi that's really the best time," dagdag ni Cruz.

May panganib na dulot umano ang pagbubuntis sa edad 40 pataas, lalo kung hindi malusog ang pangangatawan ng babae.

"At 40s and above, marami na rin tayong sakit sa katawan nating nararamdaman," ani Cruz.

Dagdag pa ng doktora, delikado rin ang mga kaso ng teenage pregnancy dahil sa mga ganoong edad, kadalasan ay 15 hanggang 19 anyos, patuloy ang pag-develop ng katawan.

"My youngest patient is a 13-year old mother, e ang 13-year old, developing pa ang bones, ibang body parts mo, tapos mayroon ka nang nagde-develop na rin sa loob ng katawan mo," ani Cruz.

Sakaling mabuntis bago ang edad 20, ipinapayo ng doktora na bantayan ng mga babae ang kanilang diyeta.

Mainam ang mga pagkaing mayaman sa protina, pag-inom ng gatas, at regular na pag-inom ng bitamina, na hindi lang umano para sa bata kundi para sa nagbubuntis din.

"Kasi the baby is made in such a way [na] lahat ng nutrition mo, kukuhanin niya," ani Cruz.

MATURITY
Bagaman "ideal age" ang 20 hanggang 25, problema rito ay ang kakulangan sa emosyonal at mental na kahandaan ng isang babae, ayon kay Cruz.

Ayon naman sa family life and child development specialist na si Claudette Tandoc, mainam na mature ang babae sa pag-iisip kapag siya ay nagbuntis.

"It also ties up with maturity, 'yong preparation. Mental, emotional, na marunong ka nang mag-manage ng temper mo... kaya mo na 'yong mga struggle and trial that you will encounter," ani Tandoc.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Sakto
pregnancy
pagbubuntis
teenage pregnancy
ideal age
women
pregnancy risks
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT