ALAMIN: Food hacks at bakasyon tips ngayong tag-init
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Food hacks at bakasyon tips ngayong tag-init
ABS-CBN News
Published May 09, 2017 06:51 PM PHT

Tuwing bakasyon, madalas na nag-a-outing ang pamilya o barkada para makapag-relax at unwind, pero ano pa nga ba ang maaaring gawin bukod dito? Narito ang ilang tips sa tuwing panahon ng bakasyon:

Tumulong sa gawaing bahay at kumita ng pera.

Maganda ang panahong ito para mag-general cleaning at panatilihing maaliwalas ang bahay. Maaaring magdagdag ng mga halaman na makatutulong sa pagtanggal ng hindi magandang amoy sa kusina at banyo. Makapapawi rin ito ng init ng panahon.

Kapag mag-sasummer outing, mas masaya kapag magbabaon ng mga paboritong pagkain ng pamilya o barkada. Dapat ding maging maingat sa pagkain na dadalhin para makaiwas sa sakit.

Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, prone ang mga pagkain sa bacteria dahil sa init ng panahon kaya mahalaga ang tamang pagprepare at pagluto ng pagkain

Love kasi ng mga bacteria ang init ng panahon. May tinatawag kasi tayong 4 hrs na holding time sa pagkain kaya mahalaga na dapat marunong tayo sa safety ng pagkain,'' ani Josefina T. Gonzales, Science Research Specialist II.

Siguruhing fresh ang gulay at karne na bibilhin sa palengke. Hugasan ng mabuti saka ilagay sa refrigerator. Kung ibi- biyahe naman ito, mas maganda kung gagamit ng cooler para doon ilalagay ang pagkain at makaiwas sa pagkapanis.

Paalala ng FNRI, mahalaga ang food safety sa pagkain hindi lang tuwing bakasyon kundi maging sa pang-araw-araw na gawain.

-- May ulat mula kay Winnie Cordero, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT