Paano malalagpasan ang pagdadalamhati? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano malalagpasan ang pagdadalamhati?

ABS-CBN News

 | 

Updated May 21, 2018 06:50 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi maiiwasan na makadama ng pagdadalamhati sa tuwing may mangyayaring hindi maganda sa isang tao.

Ito ang usaping tinalakay nitong Lunes sa programang "Sakto" ng DZMM.

Maaaring makaranas ang tao ng limang yugto ng pagdadalamhati o "stages of grief," ayon sa psychiatrist na si Robert Buenaventura.

Ito ay ang denial, anger, bargaining, depression, at acceptance.

ADVERTISEMENT

"Although we call them stages, they are actually emotional responses," ani Buenaventura.

Giit niya, hindi dapat maranasan ang lahat ng stages ng pagdadalamhati.

Nakadepende umano sa estado o pananaw ng isip ng tao ang mga pagdadaanan niyang yugto.

Aniya, may mga taong nakabuo na ng tinatawag na "anticipatory grief" kung saan inaasahan na nilang may mangyayari na magdudulot ng labis na pagdadalamhati.

"They have already expected na magkakaroon ng end of relationship o papanaw 'yong mahal nila, so they go to acceptance right away," dagdag ni Buenaventura.

ADVERTISEMENT

Nakadepende rin umano sa personalidad ng tao kung paano nito hinahawakan ang dahilan ng pagdadalamhati kaya't may mga tao na kinikimkim ito at may iba naman na hindi.

Nagbahagi rin ng ilang payo ang eksperto kung paano malalagpasan ang pagdadalamhati.

Aniya, mas mabuting makipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan tulad ng pamilya at mga kaibigan upang mailabas ang emosyon.

Dagdag pa niya, importante rin ang pagtingin sa "self-worth" sa gabay ng mga taong malalapit.

Paalala naman ni Buenaventura, hindi dapat magbigay ng "false hope" sa taong nagdadalamhati dahil mas makasasama pa umano ito sa sitwasyon ng tao.

ADVERTISEMENT

Kung sa tingin ng isang tao ay nakararanas na siya ng depresyon, mas mabuting maghanap ng propesyonal upang ma-diagnose ang pinanggagalingan ng kaniyang pakiramdam.

Editor's note:

May mga grupo sa Pilipinas na handang makinig sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan at depresyon.

Kabilang na rito ang Natasha Goulbourn Foundation na handang tumugon kahit na anong oras.

Narito ang kanilang hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

ADVERTISEMENT

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.