RECIPE: Adobo flakes

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Adobo flakes

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gusto mo bang maghain ng "bagong" putahe na swak sa panlasa ng iyong pamilya?

Puwede mong subukan ang magluto ng adobo flakes.

Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Chef Tholits Cruz upang ituro ang pagluluto ng nasabing putahe.

Ani Cruz, may dalawang paraan ng pagluluto ng nasabing ulam. Ang unang paraan ay para sa natirang adobo.

ADVERTISEMENT

Para sa unang paraang ng pagluluto, ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• Meat o laman ng adobong manok o hinimay na maliliit na laman ng baboy
• Asin
• Paminta
• Asukal
• Mantika

Narito ang paraan ng pagluluto:

Alisin ang laman o karne (manok o baboy) sa sabaw ng adobo at ilagay sa lalagyan

Himayin ito ng maliliit para kumapit ang lasa sa bawat piraso ng karne at ibalik ulit sa sabaw nito at ibabad nang 15-30 minuto.

Pagkatapos ibabad, iprito sa mainit na mantika hanggang sa lumutang ito.

Ipatong sa absorbent paper para maalis ang natirang mantika galing sa pagprito nito at ihain.

ADVERTISEMENT

Ang panglawang paraan naman ay para sa nais magluto direkta ng adobo flakes.

Para sa pangalawang paraan ng pagluluto, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1 kilo ng karne o laman ng manok (pitso o dibdib) o baboy (lomo) na hinimay sa maliliit na piraso
• Asin
• Paminta
• Asukal
• Toyo
• Suka
• 100 gramo ng bawang na hiniwa sa maliliit
• 100 gramo ng sibuyas na ginayat
• Mantika

Paraan ng pagluluto:

Magpakulo ng laman ng baboy (piliin ang parteng lomo) at sa manok naman ay mas malaman ang parteng pitso o dibdib.

Ilagay sa isang lalagyan at lagyan ito ng kaunting asin at paminta at ibabad sa loob nang 15-20 minuto.

Pagkatapos ng 15-20 minuto ay hanguin ito at palamigin para hindi mahirapan sa paghihimay-himay ng mga laman.

ADVERTISEMENT

Himayin sa maliliit na piraso at para kumapit ang lasa ay ibabad nang 15 hanggang 30 minuto at itabi.

Igisa ang bawang at hintaying pumula nang bahagya bago ilagay ang sibuyas. Haluin nang limang minuto.

Isunod ang nahimay na maliliit na laman ng baboy o manok sa ginigisang bawang at sibuyas. Dagdagan ng 1/2 tasang sabaw ng pinagpakuluan para sa dagdag na linamnam.

Timplahan ng toyo, paminta, at suka. Pakuluan nang 5-10 minuto.

Pagkaraan ng 10 minuto ay hanguin ang adobo flakes at ito ay ipirito sa kumukulong mantika hanggang sa lumutang.

ADVERTISEMENT

Ilagay sa tissue o absorbent paper para maalis ang natirang mantika at ihain.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.