Paano nagdudulot ng pangingitim ng kilikili ang mga deodorant?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano nagdudulot ng pangingitim ng kilikili ang mga deodorant?
ABS-CBN News
Published Jun 03, 2019 03:49 PM PHT

Deodorant ang mabisang panlaban sa pamamaho o pagpapawis ng kilikili pero puwede rin itong maging sanhi ng pangingitim ng nasabing bahagi ng katawan.

Ayon sa dermatologist na si Dr. Olive de Jesus, kapag hindi hiyang ang kilikili ng isang tao sa deodorant, posibleng mairita ang nasabing bahagi ng katawan at mangitim.

"Sa underarms, pati sa singit, alam naman natin 'yon, manipis kasi at maselang bahagi ng katawan so very prone sa irritation," sabi ni De Jesus sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

"Mayroon kang nilagay na deodorant na masyado palang matapang, nagkakaroon ng irritation. Kapag na-irritate, namumula and then eventually nangingitim," paliwanag ng doktora.

Depende pa rin daw sa balat sa kilikili kung iritable ito.

Ipinayo rin ng doktora ang paglalagay ng deodorant ng isang beses kada araw, at sa gabi sa halip na sa araw.

Dahil sa pagiging aktibo umano ng tao sa buong maghapon, posibleng mabilis na matanggal ang epekto ng deodorant sa kilikili.

"The night before mo siya i-apply, mas relaxed," aniya.

Bukod sa deodorant, puwede ring mangitim ang kilikili dahil sa tawas at friction o pagkikiskis ng balat.

Puwede ring ikonsulta sa mga espesyalista ang pangingitim ng kilikili at iba pang bahagi ng katawan, na maaaring sintomas ng acanthosis nigricans na epekto ng diyabetes.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kilikili
deodorant
dermatology
kalusugan
Good Vibes
DZMM
acanthosis nigricans
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT