Paano makaiiwas sa peligro ang mga estudyante?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano makaiiwas sa peligro ang mga estudyante?
ABS-CBN News
Published Jun 08, 2017 10:37 AM PHT

Nagbalik-eskuwela na ang humigit-kumulang 27 milyong mag-aaral nitong Lunes.

Maliban sa paghahanda ng mga uniporme at gamit pang-eskuwela, importante ding maging handa ang mga estudyante sa mga nakaambang peligro.

Sa panayam kay Chief Inspector Bryan Gregorio ng Philippine National Police–Public Information Office, importanteng maturuan ang mga anak na maging alerto sa loob at labas ng paaralan.

“Ang ating mga estudyante, kailangan maging aware kapag nilapitan sila ng adults,” ayon ni Gregorio. “Remember the basic thing na tinuturo, ‘Don’t talk to strangers.’”

Dagdag na payo ni Gregorio, makatutulong din kung pababaunan sila ng pito para makatawag ng pansin sakaling may maka-engkuwentrong kawatan sa kalsada.

“Pinapayo natin na ‘wag masyadong ipinapakita 'yung kanilang daily activities,” ani Gregorio. “This information would be a tool for the would-be abductors or kidnappers,"

"Kailangan yung private settings [ng cellphone] ay in place.”

Para naman sa kaligtasan sa kalsadahan, pinaaalalahanan ni Gregorio ang mga mag-aaral na tandaan ang 'stop, look and listen'.

“First to remember, dapat sumunod tayo sa batas-trapiko. Ibig sabihin, ‘wag tayo basta tatawid. Sundin ang pedestrian lane,"

"Second thing, if they have to cross, [mas maganda] kung makisabay ka sa mga adults. Don’t cross alone,” paliwanag niya.

Pinaabisuhan naman ni Department of Education Assistant Secretary Atty. Tonisito Umali ang mga magulang na makipag-ugnayan sa paaralan para malaman kung sino ang nakatakdang sumundo sa mga mag-aaral.

“Mayroon dapat silang sistema sa bahay na malalaman nila kung ang kanilang mga anak ay nakarating na nang ligtas [sa eskuwelahan],” dagdag niya.

Para sa karagdagang tips, sundan ang Red Alert sa Facebook page (www.facebook.com/RedAlertABSCBN) at Twitter account (@abscbnredalert).