Paano makakatulong sa mga sapatero? Magtabi ng P1K kada taon
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano makakatulong sa mga sapatero? Magtabi ng P1K kada taon
ABS-CBN News
Published Jun 10, 2017 04:00 PM PHT

MANILA – Sa halagang P1,000 kada taon ay maaari nang makatulong sa mga sapatero sa Marikina.

Ayon kay Sec. Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI), ang pagbili sa gawa ng mga sapatero sa bansa ay makakatulong sa kanila sa gitna ng pagbaba ng demand sa mga sapatos na gawang lokal.

Ang mga maliliit na sapatos na pambabae ay aabot sa P800 kada pares, at ang sapatos naman na “mas kumplikado” ay puwedeng mabili sa halagang P2,000 hanggang P3,000, ani Lopez.

“Ang difficulty nila, bumaba ang demand…ang gusto po natin, makapag-supply sila ng maramihan,” aniya.
“Ang difficulty nila, bumaba ang demand…ang gusto po natin, makapag-supply sila ng maramihan,” aniya.
ADVERTISEMENT
Kuwento ni Lopez sa DZMM Sabado ng umaga, ang ibang sapatero ay umano’y nagbebenta ng diyaryo at bote upang magkaroon ng kita sa mga panahong mababa ang bentahan ng mga sapatos na gawa sa Pilipinas.

Ang ganitong mga paghihirap ay dulot umano ng pagpasok ng mga mumurahing sapatos na imported mula sa “traditional sources [of imports].”

Pero kahit may kakompetensya, kakayanin naman ang mabuhay sa paggawa ng sapatos. Kailangan lang umano ng mga kagamitan, at sapat na tulong mula sa gobyerno at kapwa Pilipino.

Noong nakaraang taon ay nakatanggap si Pangulong Rodrigo Duterte ng regalong sapatos mula sa isang sapatero sa Marikina, na kaniyang ikinatuwa dahil sa kagandahan nito.