ALAMIN: Kailan nagiging kritikal ang dengue? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Kailan nagiging kritikal ang dengue?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Usong karamdaman tuwing tag-ulan ang dengue na nag-uugat sa kagat ng lamok na may dala ng naturang sakit.

Kapag may dengue ay nilalagnat, sumasakit ang katawan, at nawawalan ng ganang kumain ang isang pasyente.

Pero kapag napabayaan, nagdudulot umano ito ng iba't ibang komplikasyon na maaaring ikamatay ng may dengue.

Ayon sa epidemiologist na si Dr. Karl Henson, lumilitaw ang critical signs ng dengue kapag pawala na ang lagnat ng pasyente.

ADVERTISEMENT

Paliwanag niya, dito na nagsisimulang mabawasan ang platelet count sa dugo ng pasyente, na maaaring magdulot ng ibang komplikasyon.

Dito na rin nababawasan ang lebel ng tubig sa katawan ng pasyente, dagdag ni Henson.

"[When] the patient starts to feel better doon actually 'yung critical stage kasi pag nawala 'yung fever doon na mararamdaman na nababawasan ang platelet count, mag-seep out 'yung water from the vessels," aniya sa "Good Vibes" ng DZMM.

Maaari rin umanong lumapot ang dugo ng pasyenteng gumagaling na.

Dahil dito, ipinapayo ni Henson na dapat maging maayos ang pagpapainom ng tubig at pagpapasuwero sa may dengue para maging sapat ang tubig sa kaniyang katawan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.